Chapter 43: Hysterical Lang

82 1 0
                                    

PROPERTY OF PANDORA'S HEART

[[A/N: Hindi to kinabukasan. Kasi kung kinabukasan man to eh iniindicate ko naman eh J]]

“Hayy. Finals na! bessy… sabay ulit tayong mag-aral” aya ko kay Juli habang nandito kami sa canteen at kumakain ng lunch namin.

“Ha… Ah eh…” taps tumingin siya kay Jason.

Hayy. Okay. Gets ko na.

Tiningnan ko ng masama si Jason ng masama. Yung tipong mang-aagaw ka look. Siya naman eh ngumiti lang na fake.

“Hayy… Eh di mag-isa ako ngayon mag-aaral?” nakangiti lang na fake si Juli nung nagparinig ako sa kanya.

“Kasalanan mo kasi to eh! Kung hindi mo ako sinanay na may kasamang nag-aaral eh di sana okay lang sa akin ngayon na nag-aaral na mag-isa” sabi ko kay Juli.

“Sorry naman bessy”

“Che!”

“Ahmm… Ayan oh! Si Adrienne! Free yan oh! Wala yang kasama. Di ba Adrienne?”

Napatingin naman ako. Mukhang nagulat si Enne.

“Ano eh… Hindi ako sanay na may kasamang nag-aaral eh. Lalo na kapag finals”

“K fine” then sinubsob ko yung mukha ko sa table.

Umuwi akong badtrip sa kanilang lahat, Mga mabubuting kaibigan. Sasabay lang naman sa aking mag-aral eh.

Nakahiga ako ngayon sa kama. Nakatingin sa mga libro kong nakahilera sa study table ko.

Nakakalungkot na mag-aral pala mag-isa. Sa loob ng apat na taon ko sa highschool eh sinany ako ni Juli na nag-aaral na kasama siya. Nagkaroon lang siya ng Jason eh nakalimutan na niya ako. Hayy.

♫One day while my light is glowing. I’ll be in my castle golden. But until the gates are open. I just wanna feel this moment♫

Tinatamad kong kinuha yung cellphone ko.

“Bessy” binasa ko yung nasa screen ng phone ko.

“Psh!” sabi ko then ibinaba ko na lang ulit yung phone ko sa kama ko at tumingin ulit ako sa kisame ko.

*beep *beep

Kinuha ko ulit yung phone ko at binasa yung text.

From: Bessy

                Galit pa ba ang bessy ko? Sige na. Nagpaalam na ako kay Jason na ikaw na lang ang sasamahan ko mag-aral.

Sus! Wag na. Baka naman makasira ako ng lovelife nila. Maging third wheel pa ako nila.

To: Bessy

                Chos lang! Wag na bessy. I’m fine. Nag-aaral na ako noh. Okay lang noh. Mas tahimik nga pag mag-isa eh

Tumayo ako sa kama ko at ginulo-gulo yung buhok ko.

“Ano ba yung ginawa ko? Sasamahan na ako ni bessy eh. Yun na yun oh! Tinanggihan ko pa. Naman!!!” sabi ko sa sarili ko.

*knock *knock

“Oi Vera! May bisita ka!” sigaw ni kuya.

“Ha? Eh nag-aaral ako. Kung sino man yun eh paalisin mo na muna”

“Ok”

Hayy. Humiga na ulit ako sa kama ko.

Itinakip ko yung unan ko sa mukha ko. Nakakainis!!!

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon