BONUS CHAPTER: What ifs...

101 3 1
                                    

[Gab's POV]

Matapos umalis nina Sydney at Levi. Tiningnan ko si Vera. Mukhang nagulat siya mga pangyayari. Parang finifigure out yung mga pangyayari.

Hinawakan ko yung kamay ni Vera na nasa table. "Wag mo ng alalahanin yun. Kain na tayo" sabay ngiti ko sa kanya. Nginitian din naman niya ako at kumain na kami. Nagkwentuhan lang kami.

"Alam mo ba yung mga panahon na binibigyan kita ng cookies?" sabi ni Vera habang iniislice yung pork.

"Oo. Kaso... may aaminin ako... ano kasi..."

"Alam ko. Tinatapon mo"

"Ha?" napatingin ako ng sabihin niya yun. Tiningnan ko kung seryoso siya. Di siya nakatingin sa akin at patuloy lang sa pagkain.

"Alam mo pero patuloy ka pa rin sa pagbibigay ng cookies sa akin?"

This time eh tumingin na siya sa akin. "Oo. Pero yun yung gusto ko eh. Gusto ko araw-araw mong maramdamang mahal talaga kita. Baka malimutan mo eh" at nginitian niya ako. Parang napatigil mundo ko dun ah. Ang sarap pakinggang may nagmamahal sa iyo ng ganun. At yung ngiti niya... yung ngiting minahal ko.

Pagkatapos naming kumain eh hinatid ko na siya sa bahay. 

Pagkarating namin sa bahay niya eh hindi pa rin siya bumababa. Baka gusto niyang ako ang magbukas. Palabas na sana ako ng pinto eh biglang pinigilan ni Vera ako. Napalingon naman ako.

O.O 

O//O

Maniwala man kayo sa hindi eh pareho reaksyon namin. Kahit na siya yung humalik sa akin. 

"Ay. S-Sorry. S-Sa cheeks lang dapat. D-D-Di ko naman alam na lilingon ka"

Sa tingin ko eh alam na ninyo yung nangyari. Nahalikan niya ako sa lips. Nawala yung gulat ko at napalitan ng ngiti. Palabas na sana siya ng pinto so this time eh ako naman ang pumigil sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na lumingon. Hinablot ko na yung mukha niya ang I kissed her.

And that's how our first date end.

-------

Siguro kung ganyan ko sinimulan ang lahat. Naging kami na nga ni Vera ng hindi ko siya nililigawan. Naging kami ng biglaan. Naging kami dahil nabigla ako na may ipinalit na pala sa akin si Sydney. Kaya sana hindi ako nagpaapekto. Sana ginawa kong unforgettable ang first date namin. Sana nung mga panahong akin pa siya eh nilubos ko. Sana ipinaramdam kong mahal ko rin siya. Na hindi na siya nagpapakatanga sa akin.

Siguro kung hindi ako nagpakain masyado sa pride ko. Siguro kung hindi ko sinarado ang isip at puso ko sa posibilidad na mamahalin ko rin si Vera. Ay, hindi pala. 

Siguro kung hindi ko binalewala yung pagmamahal sa akin ni Vera. Siya lang ang nagmahal sa akin ng ganun. Kilala natin siya sa pagiging tanga niya. Pero yung pagiging tanga niya eh dahil sa pag-ibig, pag-ibig niya para sa akin. 

Napakaswerte ko ngang lalaki dahil minahal niya ako ng ganun. Kung tutuusin eh sa aming tatlo nina Adrienne at Jason eh ako ang swerte dahil ako ang minahal ni Vera ng napakatagal na panahon. Nagawa niya akong mahalin sa loob ng walong taon kahit na alam niyang hindi ko masusuklian yung pag-ibig niya sa akin. 

Pero ngayon eh wala na. Huli na ang lahat. Hindi na ako eh. Alam mo yung na sa iyo na pero nawala pa. Yung parang may diamond na ako pero ipinagpalit ko yun sa bato. Naghahanap ako ng ibang babae dahil bumaba ang pagtingin ko sa kanya dahil nga sa ako ang sinusuyo niya. Ginawa kong biro ang pagmamahal niya. 

Ako na ata ang pinakagagong lalaki. 

Sabi nga nila eh nasa huli ang pagsisi. Natural, may nagsisisi ba sa una? Ba iyan! Binabara ko na sarili ko. Pero sana sa pagsisisi eh may magagawa ka pa. Sa kaso ko eh wala na. Siguro ang magagawa ko na lang ay maging masaya para sa kanila.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon