Property of Pandora's Heart
"Juli! Bilisan mo nga diyan! Kailangan maaga ka ngayon di ba?" sigaw ko kay Juli na nasa banyo pa niya. Nandito ako ngayon sa bahay niya. Naisip ko kasing magsabay kaming pumasok ngayon kasi kahapon eh napag-usapan namin sa phone na kinakabahan siya para ngayon. So as a friend eh I'll be supporting her.
"Oo na! Wait lang. Nagtotowel na" sigaw niya rin.
"Ano ba naman yan Juli! Ikaw pa man din bida ng morning assembly ngayon" then lumabas na siya at nagmamadaling pumunta sa drawer niya.
"Sorry naman. Hindi kasi ako nagising ng maaga eh" habang hinahanap niya yung ewan ko sa drawer niya.
"Eh bakit hindi ka nag-alarm?" at lumapit na ako sa kanya.
"Nag-alarm ako... pero hindi ako nagising agad"
"Huh? Bakit naman?"
"Puyat ako kagabi" at ayun. Nagsusuot na siya ng bra at panty niya pero nakatowel pa rin siya. Hindi na po awkward sa akin yun kasi bukod sa magbestfriend kami eh ganyan talaga kaming mga babae.
"Huh? Anong napuyat? Eh maaga naman tayong natulog bukas ah"
"Baka ikaw lang. Hindi ako nakatulog agad nung nag-end call na tayo" nakasuot na siya ng uniform niya.
"What? Loko. Ang daya mo naman. Sabi ko sabay tayong matulog eh. Sasabayan na nga kitang matulog eh" nagpout naman ako. Parang nagtatampo lang.
"Sensya na bessy. Kasi naman... kasi naman" napatigil siya sa pagsusuklay at naging seryoso mukha niya. Then she heaved a sigh.
"...kinakabahan ako eh" at yun eh tinignan ko na siya ng maigi. Oo nga. Kinakabahan siya.
"Kasi.., dati. Tanda mo? Papasok lang tayo, mag-aaral, minsan gagala, tapos uuwi na. Kumbaga buhay ng isang typical student lang. Susulyap sa mga crush natin. I mean ako lang. Kasi ikaw eh nanliligaw na sa taong mahal mo ng ilang taon na"
Loko to ah! Pero... totoo naman eh.
Inayos na niya ang mga gamit niya. Nagpolbo na siya at nagclip ng hair niya.
"Pero ngayon eh unti-unti na tayong kumakawala sa buhay na yun. Yung common? Ikaw ang unang nakawala dun. Nakapasok ka sa mundo ng mga sikat. Sa mundo ng taong mahal mo. At ako? Yung lalaking mahal ko eh sinusuyapan ko lang mula sa malayo habang nakangiti dahil kasama niya ang babaeng mahal niya... na bestfriend ko naman"
Oo nga. Typical student lang ako dati. Nanliligaw sa mahal ko. Si Gab. Pero hindi naman ako pinapansin. Hanggang sa unti-unti akong napabilang sa mundong ginagalawan niya.
"At ngayon eh tuluyan na rin akong nakawala sa dating typical student life. Nakakanta ako kasama ang lalaking mahal ko. Nakilala kami. Hinangaan ng marami ang mga bagay na pinaghirapan kong makamtan. Ang pagkanta at pagtugtog. Pinasok ko ang mundo ng musika dahil sa kanya" nakita ko naman siyang napangiti.
Naglalakad na kami ngayon papuntang school. At hindi ako nagsasalita kasi as you can see eh moment to ni Juli. Bad ko naman masyado kung sasali pa ako. Eh POV ko na nga to!
Pero ngayon eh inaamin niya na na si Jason nga eh mahal niya. Alam ko na naman yun dati eh kaya siguro umamin na lang siya.
Wait. May sinabi na ba siyang pangalang Jason? Wala pa di ba? Ay bahalq na. Sinabi naman niya na kumanta siya kasama nung lalaking mahal niya di ba? Eh sino pa ba yun? Last chapter lang yun. Sus!
Teka! Ano ba yan? Si Vera pa ba to? O inaagawan na ako ng eksena ng author.
<Sori :)>
So back to topic....
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?