Ilang araw na ring kahit papaano eh maayos ang samahan namin ni Gab. Kaso mas madalas pa rin ang mainit ang ulo ko sa kanya. Eto na ang last week ng marriage project. Parang ang hirap nga eh. Ang hirap na bitawan itong project na to.
This is the best project ever! First time kong naging ganito kaclose kay Gab. Though literally and not emotionally. Hindi ko na siya pipilitin. Baka mas kamuhian niya ako. Kahit na ang hirap pakisamahan ni Gab dahil parang laging ang init ng dugo sa akin. Yes. Sa akin lang. Ohwell ayos lang. Basta’t kasama ko siya. Kayak o.
Hayy. Pagkatapos kaya netong project na to makakapag-usap pa ba kami? Sisigawan niya pa rin ba ako? Masusungitan niya pa rin ba ako? Okay na sa akin ang ganun kaysa naman sa wala talagang pansinan.
We our on our way papuntang Sunnyside Acres Daycare to meet our child.
"Naku! I'm so excited to meet my child. Sana eh babae. Mahirap alagaan ang lalaki eh" kwento ni Juli. Kanina pa siya daldal ng daldal. Excited masyado. Ohwell, ako rin naman. Pero medyo lang. Hindi na naman mahirap sa akin yun kasi yung pamangkin kong 4 years old eh nasa bahay at ako lang naman ang nag-aalaga sa kanya palagi. Si ate kasi eh. Laging busy sa trabaho. Kung pwede na nga lang siya na lang ang magiging anak namin ni Gab. Ayt! Kinilig naman ako bigla dun sa anak namin ni Gab :">
Tumingin sa likod. Nandun kasi nakaupo yung asawa ko. Este ni Gab. Ahaha! Pagbigyan na. Last week na namin bilang mag-asawa.
Nakarating na rin kami sa daycare. Pinagpartner na ulit kami. Katabi ko na naman siya. Woo! Ok. Act cool again.
*ring ring
"Ano ba naman yang cp mo! Ang ingay. Nagbibigay ng instructions si Ms. Cabral eh" bulong ni Gab.
"Ah. Wait" pagkatapos eh kinuha ko na ang cp ko at sinagot.
"Hello?"
"VG Sweets?" sabi on the other line.
"Yes ma'am/sir. How may I help you?" laging bungad ko sa mga customers ko. Ang cute ng boses netong customer ko ah. Parang bata.
"Oh! Yehey! Can you give us 2 mini cupcakes?" pang-bata talaga eh.
"Ok ma'am. What is your adress?" pagkatapos eh nilabas ko yung notebook ko para sa mga orders ko.
"Ma'am? Hihih" huh? Anong tinatawa-tawa neto?
"Ahmm... Excuse me? What is your age?"
"Huh?! Ah... Eh. I am 18! 18 years old" weh di nga? parang hindi naman eh -___-
"Really? It doesn't sound like you are 18 years old. Yung totoo. Bata ka pa eh. Wait. Is this a prank call? Excuse me huh. But I am busy" nainis na ako eh. Halata naman sa boses niya and the way she talked.
"Tseh! I hate you! Loser!" sigaw nung bata sa on the other line. Sabay in-end call.
"Aba at!" napasigaw ako. Ako pa ang nasabihan ng loser?! Eh sino kaya ang nanloloko?!!
"Vera!" sigaw ni Ms. Cabral. Ay naku po! Tiningnan ako ng lahat ng students. Ok. Ako na. Ako na ang pumatay kay Rizal. Makatingin naman -___-
"Ms." malungkot na sagot ko. Lumapit sa akin si Ms. Cabral.
"Give me your cellphone. I'll confiscate this for this day" sabay abot ng kamay niya.
"But ms--"
"No buts. Give me" Ahh! Nakakainis naman yung batang yun. Siya may kasalanan neto!!! Pano kung may order? Ugh. Ibinigay ko na kay Ms. Cabral kahit ayaw ko. Bawal namang tumanggi sa teacher eh. Hayy.
Tumingin na lang ako kay Gab. Nakakunot noo niya. Mukhang badtrip.
"Tsk tsk" pailing-iling na sabi niya at hindi na siya nakatingin sa akin nun.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?