“Enne?”
“Oh?”
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Nakapamewang pa talaga ako.
“Ano bang problema mo? Kanina pa ako nagsasalita dito. Mukha na akong tanga dito noh na wala naman palang kausap. Samantalang ikaw eh kanina pa spaced out”
Umupo siya sa upuang nasa sumakto naman kung saan ako tumigil. May upuan pala dito?
Nakatayo pa rin ako dito at nakatingin kay Enne. Malungkot ang mukha niya.
“Enne. If you’re still think about me graduating eh matagal pa yun. We still have one month. Ayaw ko ng kasamang emo noh!”
“It’s not about that”
“Huh? Eh di ano?”
Tiningnan niya ako. Akala ko magsasalita na siya pero nagbuntong hininga na naman siya.
“Wala”
Wow! Wala. Binitin mo ako dun ah!
“Enne. Ano ba yun? If it’s not about me na mapapalayo sa iyo, eh di ano? C’mon Enne. You’re making me worry”
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kasi napatingin siya sa akin. Pero mas nagulat ako ng hawakan ni Enne yung dalawang kamay ko na nakapamewang. He holds it tight. I know may problema siya pero di niya lang masabi sa akin. Ano ba kasi yun?
He put his head on my hands.
“Sorry kung pinag-aalala kita ha” Yun lang ang sinabi niya. Till the end eh hindi niya pa rin sinabi sa akin kung ano ba ang problema niya.
“Ano bang problema ni Enne?”
“Malay ko bessy. Tulungan mo na nga lang ako sa pagdidikit neto”
Kahit wala sa mood eh kinuha ko yung ginupit ng ibang kaklase namin na letter ‘D’ at nilagyan ng glue tapos ibinigay ko kay Juli.
“Vera!”
Nagulat ako ng biglang sumigaw tong si Juli.
“Ano?”
“Anung ano?! Loko! Umayos ka nga. Baliktad yung pagkakalagay mo ng glue!!! Naman! Maggupit ka ulit ng bago!!!”
“Sorry po boss” then nagmamadali ako sa pagkuha ng construction paper na color red sa mga gamit ko. Umupo muna ako sa upuan ko at naglettering ng malaking letter ‘D’. Ano ba yan! Mamaya ko na nga lang iisipin si Enne. Baka magalit pa buong klase sa akin eh.
“Tulungan na kita” napatingin ako kung sino yun. Si Gab pala.
“Hindi na. Isang letter lang naman eh”
“Anong isang letter lang? Yung letter ‘C’, ‘A’, ‘M’, ‘G’, ‘Y’, ‘I’ eh tinapakan mo kanina! Nadumihan tuloy! Umayos ka nga Vera!” sigaw sa akin ng president namin.
Ba yun?! Kasalanan mo to Enne eh. Kung hindi ka lang mukhang problemado kanina eh!
Tumabi sa akin si Gab at kumuha ng color yellow na construction paper. He started lettering.
Nung napatingin siya sa akin eh bumalik ako sa ginagawa ko. What am I thinkin?! Bakit ko siya tinititigan? Baliw ka talaga Vera! Baka isipin niyang may gusto ka pa sa kanya!
At dahil na curious ako kung ano ang reaksyon ni Gab eh pasimple akong tumingin sa kanya. At nagulat ako dahil nakangiti na siya. Naman! Bumalik ako ulit sa ginagawa ko. Anong nginingiti-ngiti niya ha?!
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?