Chapter 4: Marriage Project

161 1 0
                                    

Property of Pandora's Heart

"Sigurado ka ba na nangyari talaga yung mga kinwento mo sa akin dati?" Tanong sa akin ni Juli nung nakasalubong namin ang "Apple of the Eye". Isa lang naman ang tinitingnan ko talaga sa kanila eh. Tinatanong pa ba yun? Natural. Si Gab ko.

Malungkot akong tumingin lang sa kanila. Hindi ko na nasagot yung tanong sa akin ni Juli. Hindi ko rin naman siya masisisi kung magtataka siya at hindi siya maniwala sa sinabi ko sa kanya nung isang buwan pa.

Oo. Isang buwan na rin ang nakalilipas mula nung mangyari ung sweet moment ko kay Gab. Siguro nga nananaginip lang ako. Pero isinulat ko yun sa diary ko. Kung panaginip man yun eh sasabihin ko naman yun sa diary ko eh. At isa pa wala na talaga sa aking yung nag-iisang plain white na panyo ko.

Totoo ang lahat ng yun. Nakita ko siyang natutulog. Lumapit siya sa akin at inakala kong hahalikan niya ako. Nakulong kami sa student council office. Yinakap niya ako. Pinatulog niya ako sa balikat niya. Hinatid niya ako hanggang sa terminal. Totoo ang lahat ng iyon. Maliwanag ang lahat. Imposibleng panaginip lang ang lahat ng iyon.

Pagkatapos kong isipin ang lahat ng ito eh lumingon ako sa kanya. Tiningnan ko ng saglit si Gab na nakatingin naman sa bintana. Tumingin ulit ako sa harapan. Hayy. Too good to be true nga ba or once in a bluemoon lang talaga ang nangyari sa amin nung isang buwan.

Ako naman eh back to normal lang. Palagi pa rin akong nagbibigag ng mga desserts at lunch for him. Ako talaga nagluto nun. Dahil sa kanya kaya natuto akong magluto. Feeling chef na nga ako eh. Hehehe.

In our health subject eh nagkaroon ng main project.

"I know you already heard about the main project of the fourth year level for the second semester. This is not only for my subject but also for the economics, cle at math" in-announce ni Ms. Realonda. Siya ang health subject teacher namin.

"Wow ha? Talagang may economics, cle at math pa. Anung connect nung mga yun?" tanong sa akin ni Juli. Lahat din sila nagtatanungan. Ako stay put lang. Gets ko naman ang connect nung mga subjects na yun eh. Explain ko na lang pag in-explain na ni ms. Realonda yung project namin.

"We will have what we call 'marriage project'. This is for the added curriculumof schools due to the approval in RH Bill. No one must have sex. Our school is still a catholic school so those kinds of things that will destroy the dignity of human life are prohibited. I already chose your partners. I will assign your fiancees. In 3 weeks, you will live with your partner but your house should be the school only." Ms. Realonda explained.

Grabeng project naman to. Kung bakit ba naman kasi natupad yang RH Bill. Baka maging liberated ang mga Pilipino eh.

Ipinaliwanag sa amin na hindi magiging ganun. Nais daw ituro ng school at ng DepEd ang talagang katuruan ng Responsible Household / Parenthood. Nais daw nitong ituro ang family planning at hindi madali ang pumasok sa ganoong klaseng relasyon. Hindi ito biro kaya dapat na iginagalang at iniintindi.

Ang family virtue ang connect sa cle. Economics eh yung paano kami kikita at magdedesisyon para sa pamilya namin. Math para sa pagcocompute ng kikitain namin at kung magkanl ang gagastusin namin.

O ayan! Na explain ko na ha. Ayan na si Ms. Realonda. Sabi niya malalaman daw namin kung sino ang magiging asawa namin sa mismong wedding ceremony. Ang arte nga eh. May ganun pang nalalaman? Tss. Ang daming arte. Masyado nilang cinareer ang project na to ha.

Kinabukasan eh yung wedding ceremony namin. Ugh. Nakakatawang pakinggan. Pinagdala kami ng sari-sarili naming wedding gown.

" Wow! Ang ganda mo ngayon Vera ah" bati sa akin ni Juli paglabas ko ng cr. Nauna pa siya sa aking matapos eh. Pero grabe lang! Ano daw? Ngayon?? As in ngayon lang ako gumanda? Sa bagay, chics kasi itong si Juli eh. Kumpara sa kanya eh mukha lang akong katulong niya.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon