Property of Pandora's Heart
"Mauna ka na Juli. Ngayon lang kami natapos sa interview namin sa kapitan eh" sabi ko kay Juli. Kausap ko siya sa cellphone ko.
"Naman eh! Sige na nga. Tss. Basta! Pupunta ka ha!"
"Naman noh! Mas excited pa nga ako kaysa sa iyo eh"
"Sige na. Babush! Andito na si Jason"
"Ui! Sabay kayong aattend?"
"Naman! Para sa amin yung party eh. Sabi niya rin eh"
"Ayieee! Kilig ka naman!"
"Baliw. He is just being gentleman"
"Sige na nga. Babay na! Mag-aayos pa ako"
"Sus! Ako nga ang naunang nagbabay eh. Ang daldal mo pa. Geh. Babush na talaga" then ayun. Sabay naming in-end call.
Nagpunta na ako sa bahay. Nag-ayos. Gagamitin ko na lang yung ginamit kong dress nung reception party ng pinsan ko.
Violet dress. Simple lang. Medyo bagsak yung baba ng dress ko. Sa may bewang eh may malaking ribbon na color pink. Yung sa may dibdib ko eh may mga beads or sequence ba yun. Basta. Maganda yung dress.
Nagmake-up din ng konti. Foundation, eye shadows, lipstick at yung favorite ko eh eye liner at mascara.
Kinuha ko na yung bag ko. Yung binibitbit lang. Color violet din tapos may parang infinity sign sa gitna na made of fake diamonds. Sosyal ko naman masyado kung totoo yun noh.
"Mama!" sigaw ko habang pababa ako.
"O! Anong problema anak?" galing si mama sa kusina. Mukhang nagbabake na naman.
"Si kuya?"
"Wala eh. Nakipagdate"
"Huh? Eh di dala niya yung sasakyan niya?"
"Natural!" bagets talaga sumagot netong nanay ko eh.
"Aww. Pano yan? Ang hirap naman neto o. Ngayon pa nakipagdate tong kuya ko"
"Insecure much?"
O.o Yan lang reaksyon ko.
"Hahaha! Sensya. Narinig ko lang dun sa mga kagrupo ng kuya mo kahapon nung dito sila gumawa ng project. Cute ba pakinggan sa akin?"
"Mama?!"
"Fine. Fine. Kumuha ka na lang ng taxi. Naku! Sige na anak! Malapit na maluto yung ginagawa ko eh" then bumalik na siya sa kusina. Bumalik ulit siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Ganda mo nga pala anak!" sigaw niya.
Paalis na sana ako kaso bigla ulit akong tinawag ni mama.
"Wait lang nak ha" then tinanggal niya yung hairclip na suot niya. Simple lang siyang hairclip. Pero made of pure diamonds yan. Importante yan kay mama kasi yan yung 1st anniversary gift ni papa sa kanya. Lagi niya yun ginagamit.
Mas nagulat ako nung ilagay niya sa ulo ko yung hairclip. Sinuklay niya muna yung buhok ko gamit yung mga daliri niya. Inayos niya yung buhok ko at inipit ang hairclip sa akin.
"Mama?"
"Ang ganda ganda talaga ng anak ko. Manang-mana ka talaga sa akin"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Pero mama... yung hairclip! Bakit mo pinapahiram sa akin? Di ba mahalaga to sa iyo? Tsaka mahal to eh"
"Ano ka ba naman. Kung ano ang meron ako... sa inyo na rin noh. Tsaka ang plain naman masyado ng ayos mo sa buhok. Ok na sana eh. Wala ka talagang fashion sense. You should thank me"
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?