Chapter 16: Anyare?

111 2 1
                                    

"Ui. Bakit wala kayong dalawa kahapon huh? Yieeee bessy!" pang-aasar sa akin ni Juli. Mukhang free time kami ngayon sa science namin. Hindi pa pumapasok sa amin yung si sir eh. 

"Weh" pero parang pakipot na ewan na sagot. Ahahah. Tiningnan ako ni Juli at dahil bff ko nga siya eh na gets na niya.

"Anyare huh? Anyare?!! Kwento ka naman" habang niyuyugyog pa ako. 

"Wait. Chill ka lang bessy. Ikukwento ko na" nakangiting sabi ko. Kasi naman. Talaga namang kinikilig ako kapag naalala ko yung nangyari kahapon. Biro mo yun. Never pa sa panaginip ko maiisip na makakapunta siya sa bahay at makikilala siya ng parents ko. Ang bait niya nga eh. Kahit sinusungitan siya ni pa eh naging mabait pa rin siya. Samantalang ako eh sinusungitan nun. Tss.

Kinuwento ko yung nangyari kahapon. Lahat lahat. Ahm... Hindi ata lahat kasi hindi ko naman talaga alam kung anung nangyari nung isang araw bukod sa nagkasakit ako. Yun lang. Ayaw ipaalala sa akin ni Gab eh. Malay ko ba kung ano yun.

"Grabe naman bessy! Umaasenso ka na!" kinikilig na sagot sa akin ni Juli matapos kong ikwento sa kanya yung nangyari kahapon at nung isang araw. Nginitian ko lang siya at balik na ako sa pagsusulat. At siya rin naman. 

"Ahm..." at bigla ulit nagsalita si Juli. Tiningnan ko siya at seryoso na ang mukha niya.

"Bakit bessy?" 

"Si Gab lang ba talaga ang kaya mong mahalin?" nagulat ako sa tanong niya. Plus seryoso pa siya. 

"Huh? Ano ba namang klaseng tanong yan bessy? Alam kong alam mo kung gaano ko siya kamahal di ba. Of course. Ang sagot ko eh yes and forever" Haha! Landi ko XD Sensya naman.

"Eh... Paano kung may iba nang nagmamahal sa iyo. Magtitiis ka ba kay Gab? Na aasa ka na naman. Na walang katiyakang pag-asa?" seryosong tanong niya. 

"Bessy? What's the problem ba? Alam mo naman ang isasagot ko sa mga tanong mong iyan di ba?" naging seryoso na rin ako. I'm worried with her. Ano ba ang problema niya?

"Bessy. I'm worried. May dinadamdam ka ba?" tanong ko ulit.

"Wala. Hehe" at ngumiti siya. Bumalik siya ulit sa pagsusulat. Tinitingnan ko pa rin siya. Sa ngiting yun. Alam kong pilit. Anong problema ng bestfriend ko?

"Basta bessy. Kung may problema ka man. Kung hindi mo na kaya. Andito lang ako" I said without even looking at her and while writing down some notes. Hindi ko na alam ang naging reaksyon niya pero gusto ko lang talagang ipaalala kay Juli yun.

*ring ring

Breaktime na.

"Vera! Vera! Calling Vera" nagulat ako nung may sumigaw. Tiningnan ko naman kung sino. Si Yexel pala. Isa yun sa mga kaibigan ni Gab ah. 

T-Teka. Vera? Ako ba? Ako ba ang tinatawag niya? Pero bakit?

"Ui. Bessy. I think ikaw ang tinatawag niya" siko sa akin ni Juli. Nabalik naman ako sa realidad nung ginawa niya yun. Ako nga. 

Bago pa man ako makasagot eh nilapitan na ako ni Yexel. 

"Vera. Kanina pa kita tinatawag... Hindi ka man lang sumasagot. Monta ko tuloy kanina pa" pa cute na sabi niya. Pero hindi effective sa akin. Siguro kung si Gab pa yun eh hinimatay na ako. 

"Sori" 

"Anyway, tara na nga" sabi niya sabay hablot ng kamay ko.

"T-Teka! San tayo pupunta?" 

"Sa garden. Kain ka ng recess kasama namin. Kahit ngayon lang" ang kulit din neto eh. Parang batang kung ano na lang ang hinihiling.

"Huh? B-Bakit naman?" I'm so confused.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon