Chapter 47: ...Na umibig ng tunay

102 2 0
                                    

“OMG BESSY!!!!” nilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko.

“Problema mo? Tatawag-tawag ka tapos bigla kang sisigaw!”

“Sensya naman bessy! Eh kasi naman... teka nga muna! Bakit ba nakapatay yung phone mo kanina?”

“Eh kasi naman... deadbat ako. Bawal ba?”

“Kanina ka pa kasi tinatawagan ni Adrienne mo! At dahil doon eh ako ang tinawagan”

Huh? Kanina pa pala ako tinatawagan nun. Naman! Bakit naman kaya tumawag yun? Eh ang aga pa.

“Oh eh ano daw ang sabi?”

“Eto exact na sinabi niya... ehem” umubo pa siya.

“Bakit di sinasagot ng girlfriend ko yung phone niya? Tapos sabi ko: Huh? May girlfriend ka na? Sino yun?... At eto ang shocking part na reply niya. Sino pa ba? Eh di yung bessy mo... si Vera” ginaya niya pa talaga yung boses ni Enne nung part na ni Enne.

“Shet ka! Kayo na pala ni Enne, di ka man lang nagsasabi?”

“T-Teka! A-Anong sabi ulit ni Enne? Sino daw yung g-girlfriend niya?!” pasensya na kung slow ako. Medyo natawa ako sa pagkwento netong si Juli eh.

“Leche ka Vera! Ang haba-haba ng kinuwento ko tapos wala ka palang naintindihan. Wag ganuuun!”

“Eh ano nga? Kanina ka pa mura ng mura ah!”

“Ikaw eh! Anyway, girlfriend ka na pala ni Enne”

“Huh? Sinong may girlfriend?” monotone na tanong ko. Ano ba nangyayari sa akin? Narinig ko naman pero sinisigurado ko lang.

“Si Enne. Ba iyan Bessy!”

“Sinong girlfriend niya?”

“Langya! Ikaw nga!!! Paulit-ulit?”

“....” Eh ako naman pala yung g--- ano daw? At kelan nangyari yun?

Huh?! Nung nagpunta ba kami sa orphanage. OA! Sinabi ko bang kami yun. Dahil ba sa kiss? Daya naman o! Bakit di ako na inform na may boyfriend na pala ako?!!!!!!!! Hindi ko pa nga siya sinasagot eh. Nanligaw ba si Enne. Hindi naman ah! OMG! Pakipot pa ako eh umamin na nga ako. Pero kahit na ano. Unfair yun sa akin. Babae pa rin ako!!!

“HOY BESSY! BUHAY KA PA BAAAAA?!”

“Araaay! Sakit sa tenga yang bunganga mo bessy ha. Sensya naman. Wait lang ha. Wala akong natatandaang may boyfriend na ako... na girlfriend ako ni Enne! Bye na”

“Anong---“ *toot *toot *toot

Binaba ko na yung phone ko.

Tinawagan ko si Enne pero walang sumasagot so I decided to go to his house.

“Good morning po ma’am Vera!” bati sa akin ni Aling Ysa. Oo. Kilala na nila ako. Nakapunta na ako sa kanila, di ba? Nasabi ko ba yun? Kung di man eh di ngayon alam niyo na : )

“Good morning din po Aling Ysa. Si Enne po?”

“Nasa kwarto po niya. Pasok po kayo” at pinagbuksan na nga niya ako ng gate.

Pagpasok ko eh nagulat ako kasi hindi natural scene ang nakita ko. I mean once in a blue moon ko lang nararanasang makakita ng scene na to sa loob ng bahay ni Enne.

“Andito ka pala iha!” bati sa akin ni tita Bella. Nanay ni Enne. Chix yan eh!

“Hello po” then nagbeso-beso kami.

“Bakit nandito ka Vera?” tanong ni tito Julio. Mataray ba ang dating nung tanong? Ganun talaga yang si tito Julio pero mabait talaga yan. Natural lang sa kanya na ganyan ang approach kasi nasanay na siya sa company nila.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon