Kailangan pa naming i-arrange yung kanta namin. Eh kasi ang hirap itugma yung Art of Love tsaka Before it Explodes. Pero nadidiskartehan naman namin. Kami pa.
"Palitan mo kaya yung C ng D sa part na to" suggestion ko kay Jason habang tinuro ko yung part sa music sheet na hawak ko.
Habang sinusubukan ni Jason yung suggestion ko eh tiningnan ko si Gab na natutulog na. Nakaupo siya sa sofa. Nahuhulog hulog na nga yung ulo niya kasi walang mapatungan yung ulo niya. Napangiti naman ako. Ang gwapo niya talaga kahit kailan.
Lumapit ako sa kanya at dahan dahan ko siya ihiniga. Naglagay ako ng unan sa unahan ng sofa at dun ko ipinatong yung ulo niya para maging komportable siya.
Hinawi ko yung buhok niya na nakaharang sa mata niya. I'm really into him. Ano bang nagawa niya at mahal ko siya ng ganito?
"Mahal mo talaga siya noh?" nagulat naman ako dun. Lumingon ako kay Jason na nakatayo at papalapit sa akin.
"Oo" at ngumiti ako "Sobra"
Umupo siya sa tabi ko.
"Ang swerte niya noh?"
"Huh?"
"Eh kasi siya ang minahal mo. May nagmamahal sa kanya na katulad mo" hindi siya nakatingin habang sinasabi niya yun. Nakatingin lang siya kay Gab.
"Hindi mo lang alam Jason. May ibang babae diyan na nagmamahal sa iyo. Kaso mukha namang hindi mo siya napapansin"
"Kung sino man siya... sana makita ko na nga siya. Yung mga mata ko kasi... pati ang puso't isip ko. Iisa lang ang nakikita eh" sabay tumingin siya sa akin.
Napalunok naman ako dun. I felt awkward.
"Hoy!" nagulat kami at napatingin kay Gab na nakahiga pa rin pero nakamulat na.
"Uwi na tayo Vera. Gabi na" then tumayo na siya at kinuha yung gamit ko at lumabas na. Maya maya eh bumalik siya at kinuha ang kamay ko at hinila palabas.
"Bye bye Jason!" nakangiting paalam ko kay Jason. Pero si Jason kumaway lang at parang pilit ang ngiti. Ah ewan ko ba.
Basta ang alam ko lang eh tahimik... naglalakad... at... at... makahawak ang kamay namin ni Gab. Maghhyperventilate na ako dito eh. Wooo! Help me! Ay wag na pala! No one dare to help me. I really want this. Lol. Kilig much? Ay hindi pala... Landi much? XD
Sensya na. Pagbigyan niyo na lang. Minsan lang to eh. Minsan lang po mangyari to sa buhay ko. At baka hindi pa maulit.
Ang babaw ko ba? Sensya naman. Pake niyo ba? Eh kung sa mahal ko siya. Ilang taon na kaya.
"A-Ang tahimik mo diyan" bigla naman siyang umimik. Nagulat tuloy ako.
Naku! Magsalita ka naman Vera! Sabihin mo... Sori naman. Kinikilig ako eh. Naku! Ano bang pwedeng sabihin.
"Masaya lang ako" hala? ano ba naman yun? Masyado naman akong halata. Baka maging awkward na naman siya. Baka bitawan niya yung kamay ko. Baka bilisan niya ang lakad niya para makarating na agad kami sa kotse niya.
Bawiin ko kaya? Magsorry kaya ako?
"K-Kalimut---" nagulat ako nang higpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at yung kabilang kamay niya eh nasa bibig niya. Parang nakangiti siya at nagbblush? Ewan. Hindi ko masyadong makita kasi nakatingin siya on the opposite side eh.
Hindi ko na pinilit tingnan mukha niya. Ang hawakan niya ang kamay ko. Ang higpitan pa niya ito. Kuntento na ako.
At sana eh hindi na matapos ang araw na to.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?