Chapter 35: Reminisced Kiss

88 2 0
                                    

“Hi Gab!” bati ko sa boyfriend ko. Nung lumingon siya at nakita niyang ako yun eh mukhang nagulat siya.

“Bakit ka naman nagulat?” nakangiting tanong ko

“W-Wala” sabay tingin niya sa iba.

“Hindi ka man lang ba mag-g-good morning o mag-ha-hi?”

“Huh?”

Nireplyan ko lang siya ng ngiting namimilit.

“Tsk. G-Good morning!”

“Good morning din boyfriend!” at mukhang nagulat na naman siya. Hinawakan ko yung braso niya.

“Naks naman!” bati sa akin ni Juli.

“What?! Tara na sa upuan natin bessy” then si bessy naman ang hinawakan ko sa braso.

Bago ako umupo eh liningon ko muna si Gab. Nakita ko siyang napakamot siya ng ulo niya.

Hayy. After nung gabing yun, naisip kong baka hindi nga niya ako mahal. Hindi ko lang malaman ang dahilan kung bakit niya ako sinagot. Kung bakit naging kami. Pero I decided na kung hindi man niya ako mahal ngayon eh gagawa ako ng paraan para mahalin niya ako. Naisip ko nga na mas madali ngayon kasi may relasyon na kami.

“Yes! Lunch na!” sabi ko then lumapit agad ako kay Gab.

“Hi Gab!” mukhang nagulat na naman siya.

“May napansin lang ako sa iyo” tanong ko habang tinitingnan ko siya. It’s like I’m scrutinizing him.

“W-What?!”

Lumapit ako ng konti sa kanya.

“H-Hoy! A-Anong ba-balak mo ha?!”

“Bakit parang...”

“B-Bakit p-parang ano?!”

“Mas gumwapo ka”

“Huh?!” nakita ko naman na nagulat na naman siya. Lumayo na ulit ako sa kanya. Tumawa ako.

“Ahaha! Cute mo talaga Gab”

“Ano?! Badtrip ka ah!”

“Bakit?”

“Ha? E-Ewan ko sa iyo!” naglakad na siya paalis. Tinitingnan ko ang likod niya. Malungkot. Ako. Lagi na lang bang likod niya ang makikita ko?

Ngumiti ako. Pilit ulit. At tumakbo papunta sa kanya.

“Bakit mo iniiwan girlfriend mo?” tanong ko sabay sakbit ng kamay ko sa braso niya.

-----------------------------------------------------------------------------

[Gab’s POV]

Grabe! Ang weird netong si Vera ngayong araw na to. Yung tipong kagabi eh hindi ako halos makatulog kakaisip sa kanya. Na baka galit siya. Na baka di na niya ako pansinin. Na baka makipag-break na siya sa akin. Or baka tanungin man lang niya ako kung bakit hindi ko siya napuntahan.

Tapos ngayon eh parang walang nangyari kahapon. Parang... parang di ko siya nasaktan. Ni hindi man lang magtanong. Tapos ngayon eh ang blunt niyang tawagin akong boyfriend niya. Parang mas masaya siya na ewan. Ang weird talaga niya ngayon. Ano kaya nakain niya?

AHHHHH! Sumasakit ulo ko. Kagabi pa siya huh? Hanggang ngayon ba naman? Tsk.

Napatingin na ako kay Vera na nakatingin sa akin. Parang nagtataka siya.

“A-Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?”

“Anong iniisip mo?”

Ikaw. “Wala noh!”

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon