"Bessy!" lumingon ako. Si Juli pala.
"Ui. Bessy! Bakit?" tanong ko nung naabutan na niya ako.
"May practice na naman kayo ni Jason ngayon?"
"Oo eh. Wednesday ngaun eh. Di ba nga M W F ang sched ng practice namin"
"Sabi ko nga"
"Bakit mo naman naitanong?"
"H-Huh?! W-Wala lang. Don't mind me bessy. Sige. Mauna ka na. Baka hinihintay ka na ni Jason eh"
"Talaga?"
"Oo nga" ngumiti siya. Pero alam kong pilit.
"What is it that's bothering you bessy?" malungkot na tanong ko. Asa pa siyang maloloko niya ako eh bestfriend niya nga ako di ba?
"Nothing. Really" malungkot na reply niya pero afterwards din eh ngumiti siya. Bago pa man ako makapagsalita eh tinulak niya ako papalayo.
Hindi ko na siya pinilit magsalita. Kilala ko yun. Pag ayaw niyang magsabi eh hind niya talaga sasabihin. Malalaman ko na lang yung problema niya either matutuklasan ko o sasabihin niya kapag settled o di na niya kaya. Ganyan yan eh. Hayy.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso naman ako sa parking lot. Ako na nagsuggest kay Jason na dun na lang kami mag meet up tuwing uwian. Gusto niya pa nga na susunduin niya ako sa classroom ko kaso masyadong hassle na yun sa kanya. Kung sa parking lot eh diretso na kami sa sasakyan niya.
"Tara na Jason" tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at dumiretso sa kotse niya. Dun ako sa backseat. Eh kasi naman may nakaupo na sa katabi ng driver's seat eh.
Maya maya eh pumasok na si Jason at nagdrive na papuntang bahay niya.
Pagbaba ko eh bubuksan ko na sana yung pinto nang pinagbuksan ako ng pinto ni Jason. O tamo? Ang gentleman niya rin noh.
"Salamat" nakangiting sabi ko pagbaba.
"Sus. Parang di ka pa nasanay a"
"Kadiri!" sabat naman nung isa.
Kinuha ko na yung bag ko sa loob ng kotse kasi nauna kong ilabas ang sarili ko tsaka na yung mga gamit ko eh.
"Ako na" sabi ni Jason nung kukunin niya na yung gamit ko. At alam ko na ang kasunod neto.
"Kadiri ka pre. Lalo mong ginagawang tamad yang babaeng yan eh. Alis ka nga!" sabi nung isa sabay tulak kay Jason paalis ng sasakyan.
Kinuha niya yung gamit ko at ibinigay sa akin.
"Aray" ang sakit nung pagkakabigay niya eh.
"O ayan! Matuto kang magdala" sabi niya sabay alis.
"Naku! Bakit ba nandito na naman yan?"
"Ano Jason?" medyo mahina kasi yung boses niya.
"Wala. Tara na?"
Pumasok na nga kami sa bahay ni Jason. Nagpunta kami agad sa music room nila para magpractice.
Tinotono ni Jason yung gitara ko. Meron kasi ako eh ang tagal ko nang hindi ginagamit.
"Ok pa ba or bumili na lang ako ng bago?" tanong ko habang pinapanood siyang nagtotono ng gitara ko.
"Ok pa to. Wait ka lang" at yun pinanood ko lang siya magtono. Ang seryoso ng mukha niya at focus siya sa pagtotono.
"Ang tagal naman"
"O!" inabot niya sa akin yung gitara ko. "Eh di ikaw na. Wait lang di ba?"
"Bleh! Pikon!" ano ba naman tong trip ko? Bigla akong nang-asar? Eh na bored ako.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomansaPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?