PROPERTY OF PANDORA’S HEART
Sa huli eh hindi ko na nasundo si Vera. Hinatid ko si Sydney sa condo niya. Late na nga ako nakarating eh. Naglunch na ako kasama si Sydney. Maaga kaming naglunch kaya nung nagpunta ako ng school eh patapos na lunch namin.
“Bakit ngayon ka lang Gab?” si Vera ang sumalubong agad sa akin. Nung nakita ko siya eh parang nakaramdam ako ng guilt. Eh kasi naman di ba? Kahit di naman talaga totoo eh kami pero nakipaghalikan ako kanina. Sa ex ko pa. Naman! Di bale na nga.
“May ginawa lang ako” walang ganang sabi ko. Dumiretso na ako ng classroom.
“Kumain ka na ba ng lunch? Kasi... may niluto ulit ako”
“Busog na ako”
“Ah... Ganun ba? Ha ha ha. Okay”
“Bessy!” tawag sa kanya ni Juli. Nakita niya ako. “Oh! Hi Gab! Aga mo pa para bukas ah”
“Thanks...” yun lang sinabi ko. Inubob ko yung mukha ko sa armchair.
“Bessy!” narinig ko naman yung malakas na bulong netong Juli na to. Hindi pa ata sila bumabalik sa upuan nila eh.
“O?”
“Bakit inaayos mo na yung lunchboxes mo?”
“Huh?! Kasi patapos na yung lunch?”
“San ba galing yang boyfriend mo?”
“Hindi ko alam eh. Sabi niya may ginawa daw siya Baka importante”
“Sus. Hindi ka nakakain ng lunch dahil hinintay mo lang siya tapos hindi rin naman pala siya kakain... Aray!”
“Wag ka ngang maingay! Baka marinig niya”
“Eh bakit ba--- Aray! Aray! Tenga ko!!!”
Nawala na yung bulungang narinig ko naman. Baka bumalik na sila sa upuan nila. Pero grabe! Hindi siya kumain ng lunch dahil hinintay niya ako? Samantalang ako eh nabusog sa lunch na niluto ko para kay Sydney.
Boriing! Nakikinig lang kami sa boring na lecture ng Filipino teacher namin. Ayaw ko talaga ng subject na to eh.
“So... ipaliwanag nga ang teoryang humanismo”
Nako! Nagpaparecite na. Tingin sa baba para maiwasan ang eye contact. Pag naka-eye contact kasi ang teacher eh ikaw ang tatawagin nun eh.
“Walang gusting magrecite? Fine. Ako ang tatawag”
Nakooo! Wag ako! Inaantok ako!
“Vera! Kung gusto mong matulog eh wag sa klase ko”
Huh? Si Vera... natutulog sa klase? Imposible ata yun. Never siyang natutulog sa klase. Kung lahat kami sa klase eh natutulog na, siya lang ang nagtitiyagang gising. Ano problema nun?
“Vera! Sagutin mo yung tanong ko”
Tumayo si Vera pero parang nahihirapan siya. Anong problema niya? Kanina eh ang saya saya niya pa.
“M-Ms. A-Ano po ba yung t-tanong niyo?”
“Ha?! Di ka talaga nakikinig eh noh?! Ipaliwanag mo ang teoryang humanismo!”
“Ang teoryang humanismo ay tao ang paksa. Ipinapaliwanag dito na ang sa tao umiikot ang mundo”
“Hmmm. Sige. Umupo ka na”
Ha! Pahiya! Ang talino talaga netong si Vera eh. Kaya kasama lagi yan sa top eh.
Uupo na sana si Vera pero bigla siyang bumagsak.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomantikPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?