Chapter 9: Inaamin ko na

145 2 2
                                    

Kami ni Gab ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa marriage project. Bukod sa certification at recognitiong nakuha namin this assembly eh dagdag ding award yun sa graduation namin. Naku! Ang galing talaga namin. 

Pero after ng marriage project eh nangyari na nga ang inaasahan ko.

"Ayos ah. Parang hindi kayo naging mag-asawa ng Gab mo ng 3 weeks" bulong sa akin ni Juli nung nasa classroom na kami habang nakatingin siya kay Gab. Dinaanan lang ako ni Gab. Hindi na naman siya namamansin. Tulad lang ng dati. 

At tulad din ng dati...

"Gab!" sigaw ko. "Eto nga pala yung cookies na ginawa ko. Bestseller din yan" nakangiting sabi ko sa kanya habang inaabot ko yung box of cookies na ginawa ko.

Nakangiti niyang inabot yung cookies ko. Ang saya ko naman. Tinatanggap pa rin niya yung mga binibigay ko sa kanya. Bumalik na ako sa loob. Kaso na curious ako kung ano ang magiging reaksyon niya sa cookies ko. Kung masasarapan ba siya.

Pagharap ko halos madurog ata puso ko. Itinapon niya yung mga cookies ko. Binuksan niya muna yung box tapos tsaka niya itinapon yung mga lamang cookies. Talagang sinigurado niyang matatapon yun at hindi mapapakinabangan ha. Ouch. Maluluha na ata ako.

"Ay Vice Ganda!" sigaw ko. May bigla kasing nagpoke ng waist ko. Imbes na makilit ako eh nasaktan ako. Lanya. 

Tumatawa lang yung langyang nangulat sa akin. Nagdadrama pa ako eh. 

"Ano ba naman yan Jason!" sigaw ko.

Tapos tumigil siya ng pagtawa at parang nagulat.

"Bakit?" tanong ko.

Bigla siyang lumapit sa akin. Umaatras naman ako pero lumalapit pa rin siya sa akin. Ay nako! Ano bang balak ng lalaking to?

Nung hindi na ako makaatras eh pinikit ko na lang mata ko. Ano ba naman yan! Nooo! Gusto ko kay Gab lang ang real first kiss ko T_T

Nagulat ako nung pinunasan niya yung mga luha ko ng thumb niya. "Anong pinipikit-pikit mo diyan?" and with that napamulat ako. Sabay alis sa harapan niya. Takte! Napahiya ako dun ah.

"W-Wala. Ano bang kailangan mo?" tanong ko. Hindi ako tumitingin sa kanya kasi napahiya ako!!!

"Pupuntahan ko sana yung tropa sa tambayan eh. Eh nakita kitang parang peeping tom diyan"

"Ahh. At ginawa niyo na talagang tambayan yung garden ng school?" sarcasm na sagot ko.

"Pake mo ba? Anyway, bakit ka naman umiiyak?" at nagulat ako sa tanong niya. Ahh! Ayoko ngang sabihin.

"W-Wala"  tapos eh tumingin siya sa garden.

"Tss. Balik ka na naman ba sa panliligaw?" tanong niya sa akin. Bigla siyang naging seryoso.

"Pake mo ba?!"

"Ano bang meron diyan kay Gab? Tingnan mo nga. Lagi na lang siya ang dahilan ng pag-iyak mo!" seryoso pa rin siya. Pero hindi na siya nakatingin sa akin.

Napatingin na lang ako sa kanya. Nagtataka lang ako at bakit siya nagtatanong siya sa akin neto. I mean di ba... Ano bang pakialam niya sa mga taong tulad ko? Dati naman eh tinatawanan niya lang naman ako kapag nagbibigay ako ng mga kung anu-ano kay Gab. Parang wala lang siyang pake. Eh ngayon? Anyare?!

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!"

"Wala" nakangiti na ako. Ewan ko. Feel kong ngumiti eh.

"Wag ka ngang ngumiti!" 

"Eh kung sa gusto ko?" tapos nilalapit ko pa ang mukha ko at ngumingiti pa rin. Ahahah. Trip kong mang-asar eh. Ano bang meron sa lalaking to ngayon?

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon