Chapter 23: Tears with Her

73 2 0
                                    

Property of Pandora's Heart

[Jason's POV]

After naming kumanta, pinalakpakan kami. My friends, my family, celebrities and yung tropa. Pero isa lang ang gusto kong makitang nakangiting pinapalakpakan ako. Si Vera.

Hanggang ngayon naman eh mahal ko pa rin siya. Ganun ba kadaling mag-move on? Hindi noh.

First time ko pa namang sumubok na magseryoso sa mga babae. Kaso yung babaeng gusto ko pang seryosohin na mahalin... eh yung babaeng alam ko. Kahit kailan eh hindi ako kayang mahalin. Kasi may iba na siyang mahal.

Pero naisip ko. One sided love lang naman yung nararamdaman ni Vera. Walang gusto sa kanya si Gab. Ang pagkakaalam ko eh SIYA pa rin ang mahal niya hanggang ngayon.

Siguro kung palagi akong nasa tabi niya eh magkakagusto din siya sa akin. Baka matulungan ko siyang ma realize na hindi siya kayang mahalin ni Gab.

Hanap hanap. Nasa na ba si Vera?

Ah! Ayun! Nandun lang pala si Ve---

Parang tinamaan ako ng kidlat dito. Yung tipong sapul sa puso ko. Tagos sa buto. Pakiramdam ko eh babagsak ako anytime dito sa stage.

Lumabas muna ako sa stage. Nagpunta sa backstage at ginamit ang back door para makapunta sa kwarto ko. Gusto kong mapag-isa.

Pagdating ko sa kwarto. Wala pa nga ako sa loob eh. Nasa labas pa lang ako. Hindi ko napigilan ilabas yung nararamdaman ko.

Sinusuntok ko yung pader. Malakas. Nakita ko ngang nagdugo yung kamay ko pero hindi ko nararamdaman ang sakit. Mas nangingibabaw yung sakit na nararanasan ko ngayon. Heart broken.

Pakiramdam ko eh may luha nang bumagsak mula sa mga mata ko.

Kaya pumasok na ako. Pero bago ko pa maisara yung pinto eh may pumigil.

"Juli"

"Let me in"

"No. Leave me alone"

"No!" at nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Seryoso na parang galit. Natakot ako eh di hinayaan ko na siyang pumasok.

Dire-diretso siya sa sofa ko. Umupo. Naka-de kwatro. Naka-arms cross pa. Ang bossy ng pose niya ngayon.

Nakatingin lang siya sa akin. Hay nako. Bahala nga siya. Umupo ako sa kama ko habang hawak hawak yung kamao ko. Nararamdaman ko na yung sakit.

Biglang tumayo si Juli at kinuha yung bag niya. Iniwan niya kasi sa may table ng pumasok siya sa kwarto ko.

Maya-maya eh lumapit siya sa akin. Kinuha yung kamay ko at nilagyan ng betadine.

"Aray" this time eh pinupunas-punasan niya ng cotton yung part ng kamay ko. Imbes na yung lumalagpas na betadine lang eh pati yung sugat ko.

"Nako! Ayos ka rin eh noh? Susuntok-suntukin mo yung pader tapos aaray ka ngayon?" 

Parang ibang Juli ngayon yung nasa harapan ko. Parang nakakatakot na matapang. Kasi yung nakilala kong Juli eh mahinhin, parang inosente, at tahimik.

Tatanggalin ko sana ang kamay ko pero hinila niya pabalik. Ang lakas ng kapit niya. Bahala nga siya. Eh di gamutin niya. 

Naiinis pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi dahil sa kanila. Kung di dahil sa akin. Naiinis ako kasi nasasaktan ako. Dapat aware na ako dito eh.

"Iiyak ka na kanina di ba? Kaso napigil mo lang. Galing niyo talagang mga lalaki na magtago ng nararamdaman niyo eh noh?"

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Dahan-dahan sa pagtingin. Baka matunaw ako" then nag-half smile siya. Whoa! Ang cool niyang tingnan dun ah.

"Mahal mo bestfriend ko di ba? Mahal mo si Vera?" napatigil siya sa paggamot ng mga sugat ko. Huminga siya ng malalim. 

"Matagal ko ng alam"

Siya na lang nagsasalita. Trip niya eh. At wala ako sa mood magsalita.

"At... At alam kong nasaktan ka kanina *huk" napatingin ako. Umiiyak siya!

"Juli" tawag ko sa kanya. Bakit siya umiiyak?

"Sorry. Di ko mapigilan eh"

"Bakit? Ako naman ang nasaktan ah... hindi ikaw" nakatingin lang ako sa kanya. Nag-aalala ako.

Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata ko. Maganda pala ang mga mata niya. Kasing ganda ng mata ni Vera. Pero lumuluha siya. Mas maganda yung mga mata niya. May meaning yung mga mata niya eh.

Hinawakan niya yung mukha ko. Nagulat ako pero hindi ako makakilos.

"Jason. Kung alam mo lang. Mas nasasaktan ako. Kaya wag kang tumingin lang sa akin. Iiyak mo kaya. Mas masakit pag itatago mo lang. Pwede ba kahit minsan eh isantabi mo muna yung pride mo bilang lalaki?" 

Tiningnan ko lang siya. Pero nung sinabi niya yun. Yung mga luha ko eh pumatak na. Sino bang boss netong mga luhang to? Ako ba o siya? Kasi the moment na sinabi niya yun. Naiyak na ako.

Niyakap niya ako. Kasabay ko siyang lumuluha.

"Wag mong sasabihin to kahit kanino ha" 

Narinig ko naman siyang tumawa. 

"Pero seriously, thank you Juli" and this time eh niyakap ko na rin siya.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon