Chapter 33: Instant Girlfriend

144 2 0
                                    

Dahil sa nangyari kahapon, nagkaroon ako ng instant girlfriend -___-

Napatingin naman ako kay Vera na masayang kumakain. Pinilit niya kasi ako na sabay kaming mag-lunch. Date daw.

*Flashback*

“Gab!!!”

Ugh! Ano ba naman tong babaeng to? Hindi ba niya ako titigilan?

“Gab! *pant *pant Ang bilis mo naming maglakad”

“Ano bang problema mo?”

“Lunch tayo”

“Huh? Eh di sumama ka sa akin sa garden”

“No”

“Ano? Akala ko ba gusto mo ng maglunch. Don’t tell me nahihiya ka pa eh sanay ka na naman kasama ang tropa”

“No. I mean kasi...kasi—“

“Kasi? Naman Vera! Kung wala kang sasabihin eh mauuna na ako sa garden. Gutom na ako!” at naglakad na ulit ako paalis.

“Gab!” Lumingon ako. Takte! Kasunod ko pala to? Ano ba!

“What’s your problem ba Vera?” tumigil na ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakakirita na kasi eh!

“Lunch tayo”

“Eh di sumabay ka na nga kasi sa akin sa garden”

“No. I mean... tayo”

“Huh?”

“Tayong dalawa lang”

“Bakit naman?”

“Date?”

O///O Ano ba ang sinasabi netong babaeng to? Bigla-biglang nanghihingi ng date.

“Sige na Gab. Kagabi we didn’t have a proper dinner date eh”

Badtrip! Naalala ko na naman yung kagabi. Naglakad na lang ako ulit paalis. Baka sa kanya ko na naman mabuntol yung galit ko

Hinawakan niya yung laylayan ng uniform ko. At shemay! Bumilis tibok ng puso ko. Ang weird ko naman! -__- Pati ba naman paghawak niya sa laylayan ng uniform ko eh ikinabibilis ng tibok ng puso ko?

“Please Gab?” lumingon ako. Nakayuko siya.

Sinilip ko yung mukha niya.

O///O -à Reaksyon naming dalawa yan!

Ewan ko ba! Para akong baliw ako nga ang lumapit ng mukha sa kanya. I mean sinilip ko lang naman yung mukha niya. Tsk! Naman o!

“A-Ano na Gab? P-Pumayag k-ka na”

Naman! Bakit ang hirap tumanggi sa babaeng to?! Ang weird ko na talaga these days because of her!

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Lalim ha!

“Sige. Ha ha ha. Sorry sa abala. S-Sige punta ka na dun sa garden. M-Mauna na ako”

Without my permission, my body moved. I stopped her by holding her hand. Nagulat siya. Nakatingin lang siya sa akin. Naku naman! Huwag ka ngang makatingin ng ganyan! Hindi lang ikaw ang nagulat noh! Ako rin! Nagulat ako sa ginawa netong katawan ko. Tsk!

“L-L-Let’s go” at hinila ko siya papuntang cafeteria namin.

Pagkarating namin sa cafeteria eh nagtataka ako kung bakit siya hindi nagsasalita. Tsaka ko lang na  realize na nakahawak pa pala ako sa kamay niya.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon