Chapter 25: Partner

76 1 0
                                    

Property of Pandora's Heart

"Juli!" tawag ko kay Juli. Pero nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana. Nakahalumbaba. 

"Why bessy?" 

"Anong date na?"

"November 23" 

"Huh? 23 pa lang?" napaharap ako sa kanya. Kasi nagulat talaga ako sa date.

"Oo naman. Anong in-e-expect mo? 2013 na agad?"

Napabalik ako ulit sa pa-halumbaba na position ko at tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

23 pa lang? Magdadalawang linggo pa lang ang nakalilipas? Pero parang sa akin eh parang naka-isang taon na.

Tiningnan ko si Gab. Nagsusulat lang siya. Then bigla siyang napatingin sa side ko. So napatingin din siya sa akin. Parang nagulat siya sabay tingin ulit sa sinusulat niya.

Ayan. Ganyan lang lagi. 

Nakalimutan ko nga pa lang sabihin. Bukod kay Gab na hindi talaga ako pinapansin. 

"Jason!" napalingon ako. Si Jason eh napadaan sa classroom namin. At si Juli ang tumawag sa kanya.

Dahil wala pa naman kaming teacher eh free time pa muna kami. Pumasok si Jason pagtawag sa kanya ni Juli.

Mukha ngang nag-progress na yung relationship ng dalawa eh. After nung party, eh lagi silang magkasama. Parang mas gumaan na nga ang loob ni Jason kay Juli. Kasi dati... kung hindi siya ngumingiti o tumatawa kapag kasama niya si Juli. Eh ngayon. Ang reason ng pagngiti niya eh si Juli na. 

Kinikilig nga ako sa dalawang ito.

Pero kung tatanungin ko naman. Ang showbiz ng sagot ni Juli. 

"We're just friends" nakangiti pang sagot niya. 

Nako! Friends ka diyan! Tss.

"Hi Jason!" nakibati na rin ako.

Yung mukha niya parang nagulat at pumilit na ngiti lang. Then tingin ulit kay Juli. 

Simula din nung party eh parang iniiwasan na ako ni Jason. 

Hindi ko na nga makausap yun eh. Ni text ot chat. Hindi. Nakakainis! Na mimiss ko na nga si Jason. 

Pero kung gaano ko ka-miss si Jason eh doble... ay hindi pala. Triple ng pagka-miss ko para kay Gab. Nakakainis!

Yung tipong... parang nandun na ako o. Tapos biglang bumagsak na lang. Back to strangers. Buti kung classmates eh. Pero strangers talaga.

Dumating na yung teacher namin. So si Jason eh agad-agad na umalis. Nagsiayusan naman yung mga kaklase ko.

"Ok class! We'll be having a new activity"

Hayy. Activity blah blah. Whatever. Tinatamad ako. Matutulog muna ako.

"Hmmm..." bigla akong naalipungatan. 

"Ay shoot!" reaksyon ko. Nako naman! Nakatulog pa rin ako. Pero si Mr. Alcantara pa rin yung teacher namin. Tiningnan ko sa relo ko kung anong oras na. 

20 minutes.

Tagal ko palang nakatulog.

Tumingin ako sa harap. Bakit iba yung seating arrangement? I mean parang magkakagrupo.

Then natandaan ko na may activity nga pala kami ngayon. Hala! Anong grupo ko? Wala talagang nanggising sa akin?

Matanong na nga lang si Juli kung anmeron.

Tingin sa left side.

O////O

Gab?

Bakit siya yung katabi ko?

Tapos yung tipong pagkatingin ko sa kanya eh nakahalumbaba pa siyang nakatingin sa akin.

Woo! Buti at hindi ako natunaw.

Ok. So... awkward na naman? 

"A-Anong meron?"

Ayan na! Ako na ang unang nagtanong. 

Pero... walang sinagot siya. Hayy!

"O! Vera... ano na ang presentation niyo?" huh? Ano daw?

Nakatingin lang ako kay Sir Alcantara. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Anong presentation ang pinagsasasabi niya?

"What are you looking at? Aren't you going to answer my question?" Hala! Eh hindi ko nga alam kung pinagtatanong niya. Hello? Tulog kaya ako. Nako! Kung pwede lang na excuse yun eh. 

Nakatingin na rin si Gab sa akin. Ako eh napa-shrug na lang ng shoulders. 

"Gab?" si Gab naman ang tinanungan ni Sir. 

Siya rin eh napa-shrugh ng shoulders. OMG! Pasaway namin.

"What? You guys are partner for this activity, right?" 

"Partner?" Whoa!

-____- Ganyan lang mukha ni Gab.

"Yes. Partner. Where in the world are you when I gave you instructions?"

Dreamland

"Hayy. By the way, Do any kind of presentation. Either singing, acting, dancing. Or anything. As long as the theme is knowing each other. I'll need your draft for this day only" at umalis na si Sir Alcantara na pailing-iling na lang.

Grabe! Buti na lang in-explain niya.

Kundi eh nganga kami ng partner ko.

At ang partner ko eh si... Gab -___-

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon