FINAL CHAPTER: The real happy ending

108 2 0
                                    

After 3 years...

“Nak! Andito na si Gab” narinig kong sigaw ni mommy mula sa baba.

“Opo! Pababa na po”

Inayos ko na yung buhok ko at ngumiti. Pinatay ko muna yung laptop ko at bumaba na.

Nakita ko si Gab na nakaupo sa sofa at kausap si papa. Nako! Etong dalawa eh nagiging close na.

“Tara na?” tanong ko pagkababa ko.

“Sige po. Mauna na po kami” pagpapaalam ni Gab kay papa at kay mommy.

“Bye mommy” tapos hinalikan ko si mommy sa cheeks. “Bye papa” at nagmano naman ako kay papa.

“Ang tagal mo naman” sabi ni Gab habang papunta kami sa parking lot.

“Sus! Di ka pa nasanay”

“Sabi ko nga eh”

Pinakiusapan ko si Gab na sasabay muna ako sa kanya kasi nasira yung kotse ko. Ang reckless driver ko kasi. Hanggang ngayon eh hindi pa rin ako ganun kagaling sa pagpark. Hayy. Lagi nga akong pinapagalitan ni papa eh.

“Andito na tayo”

“Ay! Thanks”

“Wait –“ napatigil ako sa pagbukas ng pinto. At tiningnan siyang bumaba ng sasakyan. Siya ang nagbukas ng pinto ko.

“Anu ba yun? Kaya ko naman eh. Lagi mo na lang ginagawa yan”

“Eh lagi mo ring sinasabi yan. Nako Vera! Hayaan mo na nga lang ako. Bumabawi lang naman ako”

“Pero Gab—“

“Shh! Malalate ka na sa klase mo”

I just sighed. Lumabas na ako ng kotse niya. At as usual eh siya yung nagdala ng bag ko hanggang sa gate ng university.

“Sige na. Bye Gab”

“Pasok ka na”

I just smiled at him at pumasok na rin ako.

Hayy finals na.

UA&P. I admit it. This is not my dream school. UP talaga. But... but he said it’s the best university for my desired course. And I was supposed to study with him.

But everything had changed.

Pero ok na ako ngayon. I’m fine. I am.

3 years has passed since that day. The day he left me.

Masakit. Pero I must continue living.

Biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Bessy

            Patulong sa thesis ha! Kailangan namin hiramin activities ng company niyo. Please!

To: Bessy

            Opo :)

Mabilis agad ang reply.

From: Bessy

            Thank you talaga bessy! Love you! Mwah!

Binalik ko na yung cellpone ko sa bulsa ko. I just smiled. My relationship with Juli never changed. She is still my bessy and I am still her bessy. Hindi nawala contact namin.

Juli Fernandez. She is currently studying Accountancy sa UST. Model nga yan ng institute nila eh. Nakoo! Hindi ko aakalain na magiging model yan. Nagiging girly na. Nagbago man yun eh may hindi nagbago. Sila pa rin ni Jason. Going strong nga eh. Biro niyo yun? Magcecelebrate na nga sila ng 4th anniversary nila next month.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon