Chapter 13: Gayuma

124 1 0
                                    

"Vera!" nagulat ako nung may tumawag sa akin. Papasok na sana ako ng school eh. 

"Oh. Jason ikaw pala" sabi ko tapos eh nakasabay na siya sa akin. 

"Aga mo ngayon ah" 

"Oh well. Trip kong makita ka agad eh"

"Ha?" ano daw? 

"Ang sabi ko... Trip kong pumasok ng maaga ngayon. Bawal ba ha? Kaw lang ba pwedeng maagang pumasok?" 

"Ang aga aga eh nang-aasar ka na agad" tapos nagpout ako. Nakakainis na eh. Lagi na lang.

"Joke lang. To naman" sabi niya then hinaharap niya sa akin yung mukha niya. Yung mukha niyang nakakaloko. 

"Wag ka ngang humarang sa dinadaanan ko. Baka ikaw pa makakuha ng first kiss ko eh" nagulat naman ako nung napatigil siya. Ewan ko ba kung imagination ko lang o sadyang namumula siya. Nung sinabi ko yun hindi na siya nagsalita. Kasabay ko lang siyang naglalakad papuntang classrooms namin pero walang nagsasalita at di siya nang-aasar. So tumigil akong maglakad. Siya naman eh nagtaka kaya napatigil rin.

"Problema mo ha?" tanong ko sa kanya. Yung tono ko para bang nanghahamon ng away. Eh kasi naman eh. 

"Huh? Baliw ka ba?" 

"Eh kasi ang tahimik mo eh" sabay pout ko na naman.

"Wag ka ngang magpout! Ang cute mo niyan eh" whoa! Feeling ko namula ako dun ah. First time na may nagsabi sa akin na cute daw ako. Nako naman. Nagtataksil na ba ako kay Gab ko. No. And never.

"Ewan ko sa iyo!" sigaw ko. Tapos naglakad na ulit ako. Loko yun. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.

"Asus. Galit na agad. Ikaw nga ang ayaw mang-asar ako eh tapos magagalit ka naman? Mga babae nga naman" sabi niya habang sinasabayan niya ako.

"Hindi ako galit noh. Dinadamay mo pa ang mga kababaihan eh. Kung inggit ka eh di magpakababae ka" 

"Ganun? Oh di sige" nagulat na lang ako nung hinawakan niya yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya tapos parang nag-aact siya na babae.

"Di ba ganito ginagawa niyong mga babae. Holding hands. Sobra sa contacts. Tss" sabi niya. Naku naman! Nakakainis na ah. Naglakad na ako. Nagtataka naman ako at ang tahimik pa rin niya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Jason's POV]

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina pa siya ah. Nagulat ako nung sinabi niya na baka ako ang maging first kiss niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na bigla na lang kaming nagkiss. Ok. Ang gay ko kasi feeling ko namumula mukha ko. 

At ngayon naman. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa gilid ko at hindi sa kanya. Hindi na ako makatingin sa kanya kasi baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at magtapat na agad ako sa kanya. Yung isang kamay ko naman eh nakahawak sa bibig ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Eh baka mamaya may makakita sa akin at isipin bang baliw ako. 

Naku naman! Ayaw niya ba talagang bitawan ang kamay ko. Kinikilig na ako dito eh. Feeling ko sasabog na ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Adrienne's POV]

Nakita ko si Vera. Ganda naman ng view ko sa umaga. Nilapitan ko siya.

"Vera. Tulungan na kita sa pagdala ng gamit mo" mukha namang nagulat siya at napatingin sa akin.

"Adrienne" nakangiting bati niya sa akin. Kahit walang good morning eh sumaya ako sa ngiti niya ah.

"Ako na ang magdadala ng bag mo" nagpapaka-gentleman lang.

"Huh? Hindi na kailangan. Isa lang naman ang dala kong bag noh" ano ba naman yan! Yan na naman si Vera eh. Hindi marunong manhingi ng tulong o magpatulong eh.

"Ah okay" then napansin ko naman sa right side niya si Jason. 

"Ui Jason. Pre!" tawag ko. Nagulat din siya nung tinawag ko siya.

"O-Oi. Nakauwi ka na pala?" anong problema netong lalaking to? Bakit nauutal?

"Oo nga eh. Last week pa" parang namumula si Jason. Anong problema nun?

Lumapit na ako lalo sa kanila. Nasa left side lang kasi ako ni Vera kanina eh. Galing kasi ako ng garden. Lagi kasi akong masyadong maaga eh wala naman akong ginagawa sa classroom kaya tumatambay muna ako sa tambayan ng tropa.

Nagulat na lang ako ng makita kong... magkahawak sila ng kamay. As in yung crossed fingers pa.

"B-Bakit m-magkahawak k-kayo ng kamay?" nauutal kong tanong. Hindi ko alam ang ano ang mararamdaman ko. May halong kirot na may halong nalilito eh. Akala ko ba eh kay Gab lang tong si Vera. Nawala lang ako ng ilang buwan eh naunahan na ako ni Jason. Akala ko wala na akong pag-asa at forever one-sided love lang to tapos nakuha na agad ni Jason yung puso ni Vera.

"Ha?" nagtatakang sagot ni Vera tapos tumingin siya sa kamay niya mukhang nagulat din siya. 

"Nakalimutan ko" narinig kong sabi niya sa sarili niya. Kanina pa ba silang magkahawak ng kamay? Ibig sabihin sabay silang pumasok.

Nagulat na lang ako sa sumunod kong aksyon. Hinablot ko yung bag ni Vera at naglakad paalis.

"Adrienne!" tawag niya sa akin tapos eh humabol siya.

"Hoy! Teka! Wag niyo akong iwan!" at narinig ko yung boses netong Jason na yun!!!

--------------------------------------------------------------------------------------------

[Gab's POV]

Ganda ng scenery kanina ah. Si Jason at yung babaeng yun eh magkahawak ng kamay kanina tapos si Adrienne ang nagdala ng gamit nun. Ano ba naman yan! Pati tropa ko eh nilalandi niya. 

Naiinis ako. Sa tuwing naniniwala na ako na ako lang ang mahal ni Vera eh bigla na lang akong makakita ng ganito. 

*recess

"Pre!" tawag ni Yexel. Nagkita-kita kami ng tropa sa tambayan namin dito sa school. Ang garden. Kumpleto kami ngayon lalo na at bumalik na si Adrienne.

Kumain lang kami ng mga binili naming pagkain pati yung mga dinala nilang pagkain. 

"Nga pala pre. Musta na yung nanliligaw sa iyo?" tanong sa akin ni Fred. Bigla namang nasamid sina Adrienne at Jason. Masyadong halata tong mga to. Affected!

"Ayun... Ako pa rin ang mahal" at nasamid na naman yung dalawa. Parang on the cue ah.

"Ok lang kayo mga pre? Kanina pa kayo nasasamid diyan ah" tanong ko sa kanila. Yung parang nag-aalala. Dagdag asar lang. Nagulat naman silang dalawa. 

"Ayos lang. Hehe" sagot ni Jason na may pilit na ngiti. Si Adrienne naman eh umiiwas lang ng tingin sabay kain ulit.

"Speaking of the devil" bulong ni Yexel. Napatingin naman ako kung saan sila nakatingin. Sila rin eh tumingin. Si Vera. Naglalakad kasama yung kaibigan niya. Nagtatawanan. Napatingin naman siya sa amin. Particularly, sa akin. At ngumiti na naman. Yung ngiti niya talaga na para bang nakakakumpleto ng araw eh noh. What the? Ano bang sinasabi ko? Tch. 

"Sus. Tumingin na naman sa iyo" sabi ni Yexel sabay harap sa mga pagkain namin. Ngumiti lang ako. Oh well. Sa akin yan baliw eh.

Humarap na ulit ako sa mga pagkain namin. Sina Adrienne at Jason eh nakatingin pa rin.

"Dahan-dahan lang mga pre. Baka matunaw" sabi ko sa kanila. Nagulat naman sila sabay harap ulit sa amin. Kumain na lang sila. Hay nako.

Kahit naman hindi nila sabihin eh halata namang may gusto sila kay Vera eh. Ano ba ang meron sa babaeng yun? Bukod sa nakakaturn off dahil parang hindi babae dahil siya ang nanliligaw. Eh ang plain plain niya. Teka. Parang pamilyar yung line na yun. Anyway, naawa ako sa mga kaibigan kong to. Mukhang nagayuma. Tsk. Namali ata ng ginayuma at hindi ako. Buti na lang. 

Isa pa sa kinaaawaan ko sa kanila eh nagmamahal sila sa babaeng kahit kailan eh hindi sila mamahalin. Kasi ako lang naman ang mamahalin nun habambuhay. Okay. Yabang ko na shet! Eh totoo naman eh.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon