PROPERTY OF PANDORA’S HEART
Walang pasok ngayon.
Naglakad-lakad muna ako sa park. Pansin ko lang na ang common setting these past chapters eh park ah. [[A/N Nakikialam?]] Anyway, wala akong magawa sa bahay.
Kailangan kong magpahangin dahil sa mga nangyayari sa amin ni Gab. Ang sakit sakit na. Pero bakit ganun? Mahal ko pa rin siya? Ganun na ba ako katanga? Kasi ngayon eh sigurado na ako. Hindi ako mahal ni Gab. At hindi ko alam kung bakit ba niya ako sinagot. Kung bakit naging kami?
Naalala ko yung araw na naging kami. Dito yun sa park. Nung bigla niya akong pinakilala bilang girlfriend kay Sydney. Isang babaeng bigla na lang sumulpot pero sa tingin ko eh malaki ang parte niya sa buhay ni Gab. Kasi yung mga tingin niya kay Sydney noon. Iba eh. Yung mga tingin ko sa kanya.
“Gabby” napalingon ako. Nagulat ako. At alam ko kung sino yun.
“Sydney” medyo lumapit ako kung saan nanggaling yun.
“Gabby let’s talk” nakita ko sila ni Gab at Sydney.
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Sydney ang kamay ni Gab. Nararamdaman kong intense at seryoso ang atmosphere nila.
Nakita ko na hinila siya ni Sydney pero hindi umalis sa pagkakatayo si Gab.
“You can say it here Sydney” tinanggal niya yung kamay ni Syndney sa pagkakahawak niya sa kanya.
“I’m sorry Gabby. I’m sorry for hurting you. To tell you the truth, I love you. I still do”
Ha?! Ano? Ano yan? Umaamin ba siya? Pero di ba may Levi na siya. Medyo lumapit pa ako. Lumipat ako sa mas malapit na puno sa kanila. Para mas rinig ko yung pinag-uusapan nila. Ano ba yan! Ang chismosa ko naman masyado!
“But mas mahal mo lang siya kaysa sa akin?”
Parang hindi ata maganda ang mga maririnig ko ah. Feeling ko eh may matutuklasan ako. At natatakot ako. Pero hindi pa rin ako natinag at pinapakinggan ko pa rin sila.
“You don’t understand”
“Pero yun yung sinabi mo sa akin di ba?”
“I-I didn’t mean it. I have to say it. Gabby, our company became joint with Levi’s family’s company. Nakadepend ang company namin sa kanila. Mas malaki kasi ang investment nila. And the only way for it to be joint is... is... us. Our marriage” nakita kong naluluha na si Sydney.
“You mean...”
“Yes Gabby. I didn’t intend to leave. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Doble ako. Because I know that I’ll be the reason why you’ll be hurt. And I-I hate when I see you being hurt. Especially it is because of me” lumapit siya kay Gab at hinawakan ang mga kamay niya. Umiiyak na si Sydney. Nakikita ko ang reaksyon nila kasi nasa may gilid ako. So kita ko sila pareho.
“Gabby. I love you. I love you so much. Kailanman hinding-hindi ka nawala sa puso’t isipan ko. No one succeed to replace you in my heart. Hindi ko na kayang magpanggap pa. I can’t do it anymore. I can’t sacrifice my own happiness anymore. Now that you are here in front of me, the more I want to be with you. Mahal mo pa naman ako di ba? Right Gabby?”
Ano to? May past na pala sila. Kaya pala ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang lovelife niya dati. Dahil pala kay Sydney. Nagkagirlfriend na pala siya. Kaya pala siya masungit sa iba kasi nagbago siya dahil nasaktan siya nang iwan siya ni Sydney. Mahal niya si Sydney.
Gustong bumalik ni Sydney sa kanya. Gusto niya maging sila ulit. Paano naman kami? Paano na ako?
“Gabby?”
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?