[Enne’s POV]
Habang tumutugtog ako eh hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Vera.
Kausap niya kasi siya... yung lalaking unang nanakit sa kanya pero ang lalaking unang lalaking minahal niya.
Si Gab.
Parang may tumutusok ata sa dibdib ko habang pinapanood ko sila.
Nakahawak pa yung kamay ni Gab kay Vera at magkatinginan sila.
“Enne! Mali yung note. 2/4 lang ang time signature natin. Bakit ang bilis niyan” bulong sa akin ni Jason. Dun ko lang na realize na napabilis na pala yung pagplay ko.
Nadala ako sa nararamdaman ko.
Badtrip!
Natapos na rin yung performance. Parang sobrang tagal nung performance namin ah.
Pagtingin ko eh wala na si Vera doon. Si Gab na lang na sinuntok yung mesa at umalis na rin.
Sinundan ko siya.
“Gab pare!” tawag ko sa kanya pero hini pa rin siya tumitigil.
Hinawakan ko siya sa shoulder niya at napadiin na nga ata eh.
“P*ta pre! Bitiwan mo nga ako!” galit na sabi ni Gab.
Binitawan ko naman siya. “Nasan si Vera?”
Hindi siya sumagot. Pero nakita kong nagclutch siya ng hands niya.
“Nakita ko kayo kanina. Pare! Ano naman ba ang nangyari?”
Hindi na naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Parang may kung ano yung mga nasa mata niya.
“Kinakausap kita dito pare ha! Sumagot ka nga. Mukha na akong tanga dito eh!” nakasigaw na ako kasi nabubwisit na talaga ako. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit biglang nawala si Vera?
“Umalis! Iniwan ako. P*ta iniwan akooo! Iniwan na naman ako... kung... kung kailan sa sasabihin ko na sa kanya” ngayon eh nakayuko na siya pero nakaclutch pa rin yung fists niya.
“A-Anong sasabhin mo ba?” nauutal na kasi ako. Parang... parang alam ko na ang sasabihin niya. At ayaw ko yun malaman. Pero ewan ko ba kung bakit tinanong ko pa.
Tiningnan niya ako. Mata sa mata. “Adrienne, pare. Mahal ko siya. Mahal ko na si Vera”
Natigilan ako dun. Hindi dahil lang sa sinabi niya. Kundi dahil na rin sa nakita ko siyang umiiyak.
Kilala ko yang si Gab. Simula nung nawala si Sydney, hindi na yan umiyak. Nagpapahina daw kasi sa isang lalaki ang pag-iyak.
Pero ngayon... ngayon eh umiiyak na naman siya.
Ganun niya ba talaga kamahal si Vera? With those thoughts, I clutched my fists.
“P-Pero kami na ni Vera”
“Alam ko! ALAM KO!” sigaw niya.
Hinawakan ko siya sa collar niya. Akmang susuntukin ko siya. Badtrip! Nagagalit ako eh!
“G*GO ka Gab! Ang kapal din ng mukha mo eh noh?! Ang lakas ng loob mong sabihing mahal mo siya. Wala eh. Pinakawalan mo siya. Paulit-ulit mo siyang sinaktan!!!”
“ALAM KO! ALAm ko! Alam ko!” pahina na ng pahina yung boses niya.
Mas diniinan ko pa yung hawak ko sa collar niya at mas nilapit ko pa yung kamao ko. Gustong-gusto ko na siyang suntukin.
“Ituloy mo! Ituloy mo na pare! Suntukin mo na ako! Parang awa mo na. Para maramdaman ko rin yung pinaramdam ko kay Vera”
Hindi ko na napigilan. Sinuntok ko na siya. Nahulog siya sa sahig. Pero hindi ko masyado akong nadala ngayon ng galit ko. Sinuntok ko pa siya hanggang sa magdugo yung labi niya.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomantizmPag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?