Chapter 44: Missing You

74 1 0
                                    

Natapos na rin ang exam! Hinihintay na lang namin ngayon yung result kung sino yung mga topnotch ng exam. Ganun kasi dito sa school eh. Every sems exam eh ipinopost ang mga average namin sa overall exam namin pero hindi pa yun yung final grade namin.

“Uy! Ok ba yung exam mo?” tanong sa akin ni Enne.

Nandito kami ngayon sa garden at nakaupo sa isang bench. Iniabot niya sa akin yung ice cream na binili niya.

“Oo. Nagamit ko yung itinuro mo. Ang galing mo talaga eh noh?”

“Walang anuman”

“Sus!” hinampas ko siya ng marahan kasi yumayabang na naman.

Habang kumakain siya ng ice cream eh nakatingin ako sa kanya. Then tumingin ulit ako sa harap ko. Suddenly, biglang dumaan si Gab sa lugar kung saan ako ngayon nakatingin. At tumingin ako ulit kay Enne.

Nagulat ako.

“Bakit?” tanong ni Enne ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

“Kasi---“

“Bessy!” napalingon kami dun sa tumawag sa akin.

Si Juli naman eh hinihingal pa at kami eh tinitingnan lang siya.

“Wait lang ha!” sabi niya sabay habol ng hininga niya.

“Ok! I’m fine” at huminga pa siya ng malalim. Ang kulit talaga netong si Juli.

“Nakapost na!” bigla namang sigaw niya.

“Ha?”

“Yung results ng exam at ng topnotch for this sem”

“Bilis ah! Last week lang yung exam natin eh”

“Eh gumagamit na sila ng advanced technology. Wag ka na ngang umangal! Tara! Sabay nating tingnan!” sabi niya sabay hila sa akin.

“Wait lang!” pigil ko then humarap ako kay Enne at hinawakan siya sa kamay niya. Hinila ko na rin siya.

Madaming tao sa bulletin board kaya hindi ko masyadong makita.

“Excuse me” sabi namin.

“Aray!” nabubunggo na kasi ako sa dami ng estudyante eh. Bakit ba hindi nauubos yung crowd? Ang tagal naman nilang tumingin.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin. Titingnan ko na sana nang bigla siyang gumalaw. So parang pinoproktetahan niya ako sa maraming tao.

“Nandito na tayo” sabi nung taong yun.

So tiningnan ko na yung post.

4TH YEAR STUDENTS:

                1 – Gabriel Cojuanco        98.2%

                2 – Veranon Paras             96.0%

                3 – Student C

                4 – Student D

                5 – Juli Fernandez              92.5%

                …

Pagkatingin ko eh lumabas na ako dahil hindi na ako makahinga sa dami ng tao dun.

“Lol! Second pa rin ako” sabi ko kay Enne na natatawa-tawa pa.

“Ok lang yan”

“Naku! Ok lang naman talaga. Ano ba ang secret ni Gab? Bakit ba lagi siyang number 1?”

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon