PROPERTY OF PANDORA'S HEART
Maaga akong gumising ulit ngayon. Baka sakaling maabutan ko na si Vera.
Pagkaayos ko sa sarili ko eh dumiretso agad ako sa bahay ni Vera. Nung nakarating na ako, napansin kong may motor na naka-park sa labas ng bahay nina Vera.
Sino ba sa kanila ang gumagamit ng motor? Hindi naman yung kuya ni Vera. O baka kabibili pa lang. Lumabas na ako sa sasakyan ko. Pero napatigil ako. Bumalik ako dun sa motor at tiningnan yung handle.
“A.S.” binasa ko yung initials sa handle ng motor.
[[PAST MEMORY]]
“Ayos pre ah! Motor naman ngayon?” bati ni James habang tinitingnan-tingnan yung motor ni Adrienne.
“Marunong ka bang gumamit niyan?” sabat naman ni Fred.
“Oo naman noh” pagmamayabang netong si Adrienne.
Lumapit si Jason na alam naming mahilig sa mga motor.
“Pa-harbor pre”
“Asa!”
Sumakay si Jason sa motor. Kunwari eh dinadrive.
“A.S.” biglang sabi ni Jason. Napatingin kaming lahat. “Ano to pre? Brand ng motor mo?”
“Jason naman. Icon Sheen yan noh! Regalo sa akin ng tatay ko from Britain”
“Ok. Yabang lang? Eh ano tong A.S.”
“Initials ko. A for Adrienne and S for Santos”
“Ayos ah. Di ba sa mga sasakyan mo din eh may initials ka?”
“Oo. Trip ko eh”
“Eh di kaw na”
A.S.
Nandito si Adrienne? Anong ginagawa niya dito? Ang aga nama—
Nagulat ako ng makita ko si Adrienne na nasa harap ng pinto ng bahay ni Vera. Kakalabas pa lang ni Vera. Pinapasok pa ni Tita Iza si Adrienne sa loob ng bahay nila.
Nakaramdam ako ng sakit. Bakit ganun? Ako yun ah. Ako dapat yun eh. Ako yung maligayang binabati ni Tita Iza at pinapasok sa bahay nila habang hinihintay si Vera na mag-ayos. Lagi kasing late magising si Vera eh. Kung di mo pa susunduin eh hindi magiging maaga sa pagpasok.
Matagal ata akong nag-emote dito kasi nakita kong palabas na sina Vera at Adrienne sa bahay nila.
Ang saya nilang tingnan.
At ako… nasasaktan.
Naman o! Tumalikod na ako at bumalik sa sasakyan ko. Agad ko namang pinatakbo yung kotse ko palabas ng subdivision. Ayokong makita ako ni Vera na nagkakaganito.
Badtrip!!!
Nabalik na lang ako sa realidad ng maramdaman kong may tumulo galing sa mukha ko. Hinawakan ko yung mukha ko at doon ko lang na realize na umiiyak ako.
Si Vera. Siya ulit ang babaeng nagpatulo ng luha ko matapos ng ilang taon.
“Hi bessy!” napalingon ako ng marinig ko ang bati ni Juli. Alam ko naman na si Vera lang ang tinatawag niyang bessy eh. Ibig sabihin lang eh nandito na siya.
“Oh! Hi Enne!... Aray! Bakit mo naman ako pinalo bessy?”
“Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Enne!”
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?