Chapter 14: So Sick of Love

123 1 0
                                    

Sobrang busy ko ngayon. Ginawa ba naman akong representative ng 4th year para sa Math and Science Week namin. Ok lang naman. Kami naman ni Gab ang in-assign dito eh. Makakasama ko na naman siya. 

Kaso as expected eh ako lang ang nagpapakabusy para sa gagawin ng level namin. Kasi ayaw tumulong ni Gab. Gusto ko man siyang kulitin eh hindi naman siya namamansin. Baka masyado siyang maasar sa akin eh. Mahirap na. 

Naiintindihan ko naman eh. President kasi siya ng student council. Dagdag responsibilidad pa to sa kanya eh.

"Pwede ba! Sa labas ka nga gumawa. Wag dito" sigaw niya. Naiirita niyang sigaw.

"Eh sabi mo ayos lang naman dito di ba? Tsaka nakakalat na dito yung mga gamit eh. Mahirap na mag-ayos ulit" sabi ko. 

"Sinabi ko lang yun para naman may masabi ako sa teacher natin na may contribution ako para dito" sabi niya habang nagttype sa laptop niya.

"Huh? Eh... Pero san na ako gagawa?" ang hirap naman neto. Wala na nga akong mahanap na lugar na gagawan eh. Masyadong malaking space kasi ang kailangan ko para sa designing.

"Ewan ko. Problema mo na yun. Isa lang ang alam ko. Ayaw kong makita ang mukha mo. Naiinis ako. Hindi ako makapagtrabaho dito. At isa pa eh dindumihan mo yung student council room" 

"P-Pero" hala! Paano na?

"Linisin mo yan ha bago ka umalis!" sigaw pa niya. Ako naman eh malungkot na nilinis yung mga kalat at mga gamit sabay alis. 

Isa pa yan sa alam kong dahilan kung bakit hindi siya tumutulong eh. Dahil naiirita siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. I keep on bugging him. Eh wala akong maisip na ibang paraan eh. Yung lang ang naisip ko para mapansin niya ako.

Nagpunta na lang ako sa labas. Maya-maya eh naisip kong ituloy na lang bukas yung designs namin. Naisip kong subukang itayo muna yung stall ng 4th year. Tutal naman eh yung last year stall yung gagamitin namin kaya medyo madali lang. Konting ayos na lang eh ok na yung gagamitin naming stall. 

Tutal eh tinuruan ako ng kuya ko sa mga ganitong bagay. Siya kasi ang nag-aayos ng mga cabinets at kama namin. Nanghiram muna ako ng mga tools sa staff ng school namin. 

"Tulungan ko na po kayo ma'am?" alok sa akin ni manong.

"Hindi na po. Meron pa po kayong ginagawa dun eh. Ako na lang po" nginitian ko na lang siya. Hindi naman siya nagpumilit at bumalik na sa staff room. 

After 12433534 years eh natapos ko na rin. Woo. Galing ko talaga. Pwede na akong maging tatay. Lol. Nginitian ko na lang yung ginawa ko. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Gab's POV]

Lumabas muna ako dahil nagtaka ako baka mamaya eh tumakas na yung babaeng yun sa ginagawa niya. Baka mamaya eh hindi pa matapos yung kailangan naming matapos eh. Este niya pala. 

Nakita ko siyang nagpupukpok. Aba eh marunong pala siya sa mga ganyang bagay. Pero sa pagluluto eh walang sinabi. Sus. Sabi na nga ba eh. Hindi yan tunay na babae.

Tiningnan ko siya. Pawis na pawis siya. Tinanggal niya na nga yung shirt niya eh. PE kasi yung last subject namin kaya hindi na siya nagpalit. Naka-sando naman siya. Hindi yung masyadong revealing. Baka isipin niyo pa eh binobosohan ko yan. Eh wala namang maboboso sa kanya. Tss.

Pero grabe lang. Ngayon ko lang na appreciate yung curves niya. Meron pala. Tapos pawisan pa siya. Ang... Ang... Ang hot niyang tingnan. Naku. Makaalis na nga. 

Pumasok ako ulit sa loob. Tumapat ako sa aircon.

"Bakit ba biglang uminit?" tanong ko sa sarili ko. Ano ba naman yan! 

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon