PROPERTY OF PANDORA'S HEART
“Sige po tita Iza. Pasensya na po sa abala. Mauna na po ako” paalam ko sa nanay ni Vera.
[[A/N: Pangalan pala ng nanay ni Vera eh Iza at yung tatay naman eh Andres. Sorry. Nakalimutan ko pa lang ilagay. Lol XD]]
Hinatid naman ako ni tita Iza sa kotse ko at pinagbuksan ako ng gate.
Habang nagddrive ako eh nag-iisip ako. Bakit ang aga namang umalis ni Vera. Tapos sabi ni tita Iza eh may sumundo na sa kanya. Sino kaya yun?
Naman! Daya. Maaga pa naman akong gumising para sabay kaming pumasok ni Vera eh. Tapos ang aga pa naman niyang pumasok ngayon.
Pero ok lang. Makikita ko naman siya mamaya eh. I find myself smiling. Para akong tanga ngayon. Eh kasi naman eh. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko eh mararamdaman niyo rin ito. Yung finally eh nakawala na rin ako sa cage ko. Yung naging totoo na rin ako sa feelings ko.
Nung dumating ako ng classroom eh wala pa si Vera. Asan na ba yun? Mas maaga nga yung umalis sa akin tapos nauna pa ako sa kanyang dumating dito sa classroom.
Maya-maya eh nagsimula na yung klase. Kasabay lang halos pumasok ni ms si Vera. Hindi ko tuloy siya makausap ngayon.
Breaktime na. Dapat lalapitan ko siya nung lalabas na siya ng classroom. Kasi yung seat ko eh malapit sa pinto ng classroom. Pero nung dumaan siya eh tumingin lang siya sa akin. Babatiin ko na sana pero iniwas na niya agad yung tingin niya sa akin.
Bakit parang ang sakit? Anong nangyari? Bakit bigla niya akong hindi pinapansin? Ang sakit pala. Ang sakit palang iwasan ka ng tingin ng babaeng mahal mo? Tinitingnan ko yung likod niya habang papalayo siya sa akin.
Kumain lang ako sa garden kasama ng tropa.
“Uy! Penge ako ha” sabi ni Adrienne sabay kuha ng mga leche flan na kasama sa kinakain namin.
“Hoy! Bayaran mo yan!” sigaw naman ni Yexel.
Umalis si Adrienne. Parang excited. Pero bago siya umalis eh naglapag siya ng P1000.
“Thanks pre! He he he” sigaw ulit netong si Yexel habang inaamoy pa yung pera. Adik talaga to sa pera. Tiningnan ko kung saan siya pupunta.
“San pupunta yun?” tanong ko sa kanila. Bahala sila kung sino ang gustong sumagot.
“Ewan” sabi ni Jason habang kumakain.
“Malay ko. Weee” hinahaplos ni Yexel yung P1000 at nilagay na sa wallet niya.
Nagshrug lang ng shoulder si Fred sabay kuha ng P1000 kay Yexel.
“Hoy! Akin yan!”
“Anong sa iyo eh ako ang bumili ng mga pagkaing to? Di mo pa nga nababayaran yung pagkain mo kahapon eh”
“Daya!” sabay pout naman netong si Yexel.
Tiningnan ko naman si James na nagtetext. Isa na naman sa mga chics niya yung katext niya.
“Don’t ask me pre. Wala akong alam” sabay balik sa pagtetext.
MGA WALANG SILBI! Tss.
Nagpunta muna ako ng library. Kailangan kong magresearch muna para sa report ng group namin mamaya eh about work, force and energy. Tamad lang yung teacher naming magturo eh kaya nagpapareport. Sus naman!
May nagbukas ng pinto so napatingin ako. Naglighten up ako. Si Vera.
Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat siya. Sabay hila kay Juli palabas ng library.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?