PROPERTY OF PANDORA'S HEART
“Imposible noh?”
“Oo nga eh”
“At si Vera pa”
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung mga estudyante sa music room na nag-uusap. Hindi naman ako ganito noh. Hindi ako tsismoso noh. Sadyang narinig ko lang yung pangalan ni Vera.
Naiinis ako kasi hanggang ngayon eh Vera pa rin ako.
“Sila na daw ni Gab?”
“Ang feeler naman nung babafnsajkbredbc nlskadnsak”
Wala na akong narinig pa. Parang nagunaw ang mundo ko sa narinig ko. Sila na pala? Dapat maging masaya ako kasi sa wakas eh natupad na rin ang dati pang gusto ni Vera. Nagawa na rin siyang mahalin ni Gab.
Nagawa na ring mahalin ni Gab si Vera.
Pero talaga bang mahal na niya si Vera?
Kahit masakit. Pero mas ayokong masaktan si Vera. Dahil mas masasaktan ako.
“Pre!” tinapik ko si Gab ng makita ko agad siya.
“Ui. Kaw pala Jason”
“T-Totoo ba?” hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin tong mga to. Nasasaktan pa ako eh. Pero talagang gusto kong malaman ang totoo eh. At gusto kong protektahan si Vera.
“Ang alin?”
“Na... Na... Kayo na ni Vera?”
“Bakit mo naitanong pare?”
“Mahal mo na ba talaga siya?” itinanong ko na ang tanong na ayaw kong itanong.
Hindi siya sumagot. Parang hindi niya alam kung paano sasabihin.
“Hayy. Pare. Siguro naman alam mo na minahal ko si Vera”
“At aaminin ko na hanggang ngayon eh mahal ko pa rin siya. Mahirap siyang kalimutan. Siya yung babaeng nagpatino sa casanovang tulad ko” dagdag ko pa.
Tiningnan ko ulit siya. Hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit.
“Wag na wag mo siyang saktan pare. Hindi niya deserve na masktan”
“A-Alam ko”
“Sige pare. Mauna na ako sa classroom ko”
At umalis na ako. Sinubukan kong maging malakas nung mga panahaon yun. Kaya habang kaya ko pa eh tumakbo ako papuntang garden. Sa likod ng acacia tree. Yun yung pinakamalaking puno sa school.
Bumagsak na ang mga luha ko. Mga luhang si Vera lagi ang nagpapalabas.
Napaangat ang ulo ko ng makarinig ako ng hinihingal.
“Hay nako Jason!” sabi ni Juli habang hinihingal pa. Nung sa tingin ko eh medyo ok na siya eh umupo siya sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa kanya na nagtataka.
“Ok ka lang ba?”
Tiningnan ko lang siya.
“Ok ok. Mukhang hindi nga. Eh bakit mo pa kasi kinausap si Gab”
Nagulat ako. Nakita niya pala yun. Kaya pala nandito siya. Kaya pala nasa tabi ko siya ngayon. Kasi alam niyang nasasaktan na naman ako.
“Alam mo?” yun na lang ang natanong ko.
“Oo. Sorry. Hindi ko na sinabi sa iyo kasi alam ko na magiging ganito ka”
Ibinaon ko na lang ulit yung ulo ko sa mga binti ko.
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
Storie d'amorePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?