Chapter 23
Jea’s POV
**Hospital
Nakatayo ako sa may bintana at malayo ang tingin. Isang araw palang akong nakahiga sa hospital bed pero sumasakit na ang likod ko. Kahit sinabi kong okay na ako pero hindi pumayag si Tito at Mama dapat daw i-monitor padin ako baka daw magkaroon ng problema. Mabuti at okay ang resulta ng CT scan ko, walang damage ang utak ko.
Agad pinaalam ni Zean ang mga nangyari at pinaliwanag. Si Mama halos atakihin na sa sobrang pag-aalala sa‘kin—Samantalang si Tito Greg ang kamldo niya. Hindi niya pinagalitan si Zean para bang alam na alam niya ang mga ginagawa ni Zean.
Hindi ko na ipinaalam kay papa baka mamaya umuwi ito ng pilipinas nang wala sa oras.
Napabuntong hininga ako.
Bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?
Parang bangongot ang nangyari kahapon. Iyon ang hinding hindi ko makalimutan buong buhay ko.. Sana wag nang maulit yon..
May narinig akong nag-uusap sa labas. Dahan dahan kong hinila ko ang IV at lumapit. Dinikit ang tenga ko sa pintuan para marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Si Tito at si Zean pala ang nasa labas.
“For God’s sake, Ze! How many times do I have to tell you? If you’re going to do something stupid, at least clean it up. I’m the one who ends up fixing everything. What if your grandfather finds out about this?” Mahina at kalmado ang boses ni Tito.
“Then don’t tell him.” Zean replied, sounding bored.
Malapit na akong maniwala na tinotolerate ni Tito ang ginawa ni Zean.
Pag-alis namin sa lugar na iyon, dahan-dahang tinakpan ni Zean ang mukha ko gamit ang jacket niya. Siguro ayaw niyang makita ko ang mga katawan na nakakalat, patay na. Sa totoo lang, natakot ako sa ibang side ni Zean.
Napabuntong hininga ulit ako.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mabilis akong bumalik sa higaan ko at nagkunwaring walang narinig.
Pumasok si Zean at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Daddy’s going to pick up Tita.. Nikolo called me earlier and said they’ll be visiting later with your friends,” he said softly.
Hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Jea.." He said in more seriously tone, Hinawakan niya ang baba ko para lingonin siya. Pero hindi ako nakatingin sa mga mata niya, "Please, Look at me.."
I did. He was looking straight into my eyes, and they were filled with sadness and loneliness. Our faces were almost touching, and I could even smell his sweet breath.
“Natakot ba kita?”
Hindi parin ako sumagot.
“Please… just tell me you’re not afraid of me. I need to hear it… so I can breathe.” His voice was cracking, and I could see tears rolling down his cheeks.
Pinunasan ko ang pisngi niya at ngumiti ako. “Hindi ako natatakot sa’yo. Natatakot lang ako sa mga kaya mo pang gawin.”
Dinikit niya ang noo niya sa noo ko, “I’ll do it again if anyone hurts you.. Mababaliw ako Jea kapag may mangyari ulit na masama sa‘yo. I couldn’t bear it.”
Ang astig na si Zean pero umiiyak sa harapan ko.
“Tahan na, para kang bata.” natatawa kong sabi.
Bigla kami humiwalay nang may bumukas sa pinto.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
