Chapter 19

4.1K 122 36
                                        

Chapter 19

Jea's POV

"Ate, magkano po lahat?" tanong ko sa tindera sa canteen habang binabalot niya ang softdrink at burger.

"100 pesos." Kinuha ko ang pera sa wallet at inabot sa babae, tapos lumabas ako ng canteen.

Habang naglalakad pabalik sa classroom, biglang humarang sa daan ko ang apat na babae. Napapikit ako sa inis.

Ano na naman ba ang gusto nila?

Didiretso sana akong dumaan at huwag nang pansinin ang mga babaing ito, pero bigla nilang hinila ang buhok ko at dinala ako sa isang parte ng school-pakiramdam ko ay nasa likod kami ng building.

"Bitawan niyo nga ang buhok ko! Ano bang problema niyo!" galit kong sigaw, habang iniangat ko ang mukha ko at tinanggal ang kamay ng babae sa buhok ko..

Sila yung tatlong higad na classmate ni Zean, At may kasama ang isang mestisang babae.

"Wow, bagong member?" tumuro ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita.

"Shut up ka na! Hindi mo ba alam? Siya si Scarleth Martin... ang magiging fiancée ni Zean!" sabi ng babaeng makapal ang blush.

Soon-to-be fiancée? May fiancée na siya? Bakit may biglang kumirot sa dibdib ko.

"Anong kailangan mo?" tanong ko. Huminga ako nang malalim bago tumayo nang maayos.

"Nawala lang ako saglit, pero heto na agad may dagang umaaligid kay Zean."

Daga? Mukha ba akong daga sa paningin niya?

Maganda at mukhang sosyal. Mahaba at straight ang buhok niyang kulay brown, maputi ang balat, matangos ang ilong, at pula ang mga labi niya. Kapag ngumiti siya, Parang model ang aura niya. At sa totoo lang... habang tinitingnan ko siya, ramdam ko kung gaano siya kalayo sa'kin. Mas maganda siya... mas maayos... mas sexy.. at sa harap niya, parang maliit lang ako.

Eh ano naman? Bakit ko ba kinu-kompara ang sarili ko sa kanya? Bakit ba ako naiinis?

"Alam mo, wala akong pakialam sa'yo o sa kung anong koneksyon meron kayo ni Zean, okay? Pwede ba tantanan niyo ko!"

Tatalikod na sana ako nang biglang hinarangan ako ng tatlo niyang kasama, hinawakan ako sa magkabilang kamay. Nagpupumiglas ako, ramdam ko ang tensyon sa bawat hawak nila.

"Let me go!!" sigaw ko, pilit akong kumakawala, nanginginig ang katawan sa galit at takot.

"Shut up!"
"Shut up mo, mukha mo!"
"Wag kang malikot!"
"Wag mo akong hawakan!"

"You're so loud, SHUT UP-"Tumayo ang kamay niya sa ere, at ramdam ko na malapit nang dumapo ang sampal sa mukha ko.

Para bang huminto ang oras sa paligid ko-ang tibok ng puso ko, at ang hininga ko.

Napapikit ako, hinihintay ang pagdapo ng kamay niya sa mukha ko. Bigla akong nakarinig ng isang sigaw.

Anong nangyari?

Napadilat ako-at doon ko nakita si Zean sa harap ko, mahigpit na hawak ang pulso niya.

Bigla akong napaatras sa takot nang makita ko kung gaano kadilim ang ekspresyon sa mukha ni Zean. Parang may bagyong apoy na nag-aalab sa mga mata niya. Sa tingin niya sa kanila para bang kaya niyang sirain ang buong paligid.

"Don't you dare." Matigas at puno ng awtoridad ang boses niya.

"Wow, ganyan mo ba salubungin ang fiancée mo?" sarkastikong sagot niya bago niya marahas na inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Zean.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon