Chapter 15

4K 120 22
                                        

Chapter 15

Jea's POV

Nandito ako sa gym para asikasuhin si Zean—Tapos si Matthew hindi man lang kumuntra. Hello, jowa niya kaya ako!

Umalis sina Queency at Dorine para bumili ng pagkain, kaya heto ako nanonood ng practice game nila Matthew.

Paminsan-minsan, nginingitian niya ako kapag napapatingin sa direksyon ko.

Ang gwapo talaga!

Nagulat ako may biglang bumatok sa ulo ko. Paglingon ko, bumungad ang mukha ni Zean kasama ang tropa niya. Kapag talaga umaaligid siya sa buhay ko, siguradong walang magandang mangyayari.

“Bakit ka nambabatok? Naghahanap ka ba ng away?!” irita kong sabi.

Lumapit siya sa mukha ko—masyadong malapit. Naiilang ako.

Napaupo ako sa sahig.

“Alangaan mo ako ng mabuti ah,” sabi niya na may ngising aso

Ginulo niya ang buhok ko sabay alis.

“Good luck, Jea!!” masayang sigaw ni Tyrone.

"Alagaan mo daw siya!” dagdag ni Nikolo, na may halong panunukso.

MGA BALIW!

***
Break time.

"JEA! WATER!" Sigaw ni Zean.

Napalingon ako sa direksyon ni Zean. Naka-upo ito sa semento at nagpapahinga. Kakatapos lang kasi ng practice nila. Bakit kailangan niyang sumigaw eh magkalapit lang kami.

"Ano?" kunot noo kung sabi.

“Are you deaf, or your just ignoring me? I said, get me some water.” matigas niyang sabi.

"Pakialam ko kung gusto mo ng tubig."

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hinigit ang kamay ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit ang ilong namin. Malapad ang ngisi niya—yung klase ng ngiti na alam mong may masamang balak.

Biglang uminit ang mukha ko, umaabot na sa tenga ko. Pinilit kong pigilan ang sarili ko na huwag mapa-sigh o mapa-gasp pero bumilis pa rin ang hininga ko. Bwisit. Bakit ganito ang epekto niya sa’kin?

“So this is how you are when you’re nervous.” bulong niya, may halong pang-aasar. "Now get my water."

Napatingin ako sa labi niya, saglit lang—pero sapat na para lalo akong mataranta.

Grabe...
Sobrang gwapo niya sa malapitan.

Pagkabili ko ng tubig niya patakbo akong bumalik sa gym at inabot ang mineral water sa kanya.

"Ito na po ang tubig niyo kamahalan." Inabot ko ang bottled water sabay irap ko.

"Paano ko iinimon yan kung nakasardo? Open it!" Asar niyang sabi.

"Pati pagbukas ako pa ang gagawa?"

"Nagrereklamo ka?"

"Obvious naman diba?!"

Binuksan ko pa rin ang takip at iniabot sa kanya. Paalis na sana ako nang sumigaw ulit siya.

“TOWEL!”

“Nandiyan na!” sagot ko, pinipilit kong maging kalmado.

Kinuha ko ang towel at nakayukong iniabot sa kanya.

“Punasan mo ang pawis ko,” sabi niya na may ngising nakakabwisit.

Tinignan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya na parang alam niyang hindi ako makakatanggi. Dapat ba patayin ko siya o magpanggap lang na kalmado?

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon