Chapter 31

2.2K 84 7
                                        

Chapter 31

Jea’s POV

Next morning.

"Hoy! Bumangon ka na diyan!" niyogyog ko siya sa balikat at sinipa ang paa para magising. Nakadapa pa siya habang balot na balot ang katawan ng kumot.

Well, dito naman po siya natulog kagabi. Parang hindi talaga siya natatakot na mahuli kami. Tumihaya siya at dahan-dahan  minulat ang mga mata. Ngumiti siya at hinila ako palapit dahilan para mapasubsob ako sa kanya.

“Baby.. Relax.”

Napangiti ako sa sinabi niya pero hinampas ko parin ang dibdib niya.

“Bumangon ka na diyan baka pumasok si Mama!”

“So?” nasa tuno ng boses ang irita.
“Anong so? Baka ano isipin niya ano ka ba!”

Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sakin. “I don't really care.”

Malakas akong bumitaw sa kanya at tumayo.

“Pwes ako, I care!” kinuha ko ang unan at hinampas siya sa ulo. “Lumabas kana kasi! Nakakainis ka!”

Naiirita siyang tumayo at nagkamot ng ulo.

“Ano bang kinakatakot mo kung MALAMAN NI TITA JEAN NA MAHAL KI—”

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinandilatan siya ng mata.

“Huwag kang maingay!”

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at ngumiti nang nakakloko. “Kung ayaw mo mahuli tayo, edi sa condo nalang tayo titira.”

Mahina ko siyang sinampal sa mukha. “Nag-iisip ka ba? Pano kung hanapin ako ni mama? Pinapalala mo ang sitwasyon ko eh.”

“Why can’t you just tell her the truth? That you love me, and I love you.”

Hindi ko siya agad sinagot. Dumiretso ako sa banyo at naligo para pakalmahin ang sarili ko. Paglabas ko ng kwarto, wala na siya. Lumabas na rin ako. Nadatnan ko siyang nakaupo sa mesa, tahimik na nagkakape.

“Bakit ba ang tagal mo?” masungit niyang tanong.

“So?” nagkibit-balikat ako habang nagpapalinga-linga. “Nasaan sila, Tito?”

“May pinuntahan,” matipid niyang sagot.

Napabuntong-hininga ako. Si Mama talaga, mahilig umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa’kin. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

“Zean—”

Pinutol niya agad ako.
“Who’s Zean?” He raised an eyebrow.

Nilapag niya ang tasa sa mesa at tumayo. Lumapit siya sa’kin, titig na titig sa mga mata ko.
Shit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Isa sa nagustuhan ko sa bahay nila, may sariling quarters ang mga kasambahay. Pagkatapos ng gawain, bumabalik sila roon sa pinakalikod ng bahay at pinapatawag lang kapag kailangan. Kaya walang makakakita sa kung ano mang kalokohan ang gagawin ni Zean ngayon.

“It’s baby… or babe,” he said coldly, glaring at me.

No way.

“Ayoko nga.”

Tumingin ako sa ibang direksyon, pero hinawakan niya ang baba ko at marahang inangat ang mukha ko paharap sa kanya.

Napapikit ako nang paulit-ulit niyang hagkan ang labi ko, parang ayaw niya akong pakawalan.

He brushed his thumb against my lower lip and whispered,
“Your lips are so sweet… I can’t get enough of them.”

Inaakit ba niya ako?
Pwes, hindi ko siya uurongan.
Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napaatras siya nang bahagya. Nakakalokong ngumisi ako. Siya naman, tila hindi makapaniwala sa tapang ko.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon