Chapter 10

4.1K 135 18
                                        

Chapter 10

Jea's POV

“Bakit ba ang tagal ng babaeng ’yon? Ang sakit na nang paa ko! Kukutusan ko talaga ’yon!” halos mangisay na reklamo ni Queency.

Nakatayo kami sa tapat ng supermarket, parang mga estatwa. Tinawagan ko na si Dorine—padating na raw—pero ni multo niya, wala pa rin.

“Sino bang sira ulo ang nagsabing mag-high heels ka?” tanong ko.

“Excuse me? Hindi ako sinabihan na grocery pala ’to!” irap niya. “Kasalanan n’yo ’to!”

Binatukan ko siya. “Tenext kita, gaga. May memory loss ka na ba?”

“Pch. Violence agad.”

Isang buong oras ang lumipas bago dumating si Dorine sakay ng taxi.

“Buti dumating kana!” salubong ni Queency.

“Sorry… traffic,” mahina niyang sabi, parang batang nahuli.

Napansin ko ang mata niya. “Hoy, bakit parang pinuyat ka ng multo? Umiyak ka ba?”

“Napuwing lang,” iwas niya.
“Asar! Namumugto ang mata, napuwing daw! Classic! Tara na nga!” sabay hila ni Queency sa’min papasok.

“Ano nga ulit lulutuin natin?” tanong ni Dorine habang hawak ang prutas na parang life decision.

“Veggie pizza!” sigaw ko.

“Healthy ba ’yan o healthy kunwari?” tanong ni Queency habang namimili ng gulay.

“Healthy legit! Puro gulay tapos carrots na may pa-design. Estetik pero masustansya!” proud kong sabi.

Tumango sila. Pagkatapos magbayad, nagkanya-kanya na kaming umuwi.
Napabuntong-hininga ako. Sana manalo kami. Sana mataas grade.
Kung hindi—dasal na lang.
Fighting!

***
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang may biglang kumatok.

Excuse me? Sino na namang istorbo ’to?

Tumayo ako at binuksan ang gate—at muntik na akong mabulunan sa gulat.

Naka-lean siya sa kotse niya, gaya ng dati, may hawak na white paper bag.

Kailangan ko pa bang itanong kung sino?

“Zean?! Ba’t nandito ka?” gulat na gulat kong tanong.

“Here.” Bigla niyang hinagis ang paper bag. Buti nasalo ko.

“Ano ’to?” kamot-ulo ako.

“Donation para sa mahirap,” sabi niya sabay pamumula.

Pagkatapos, dire-diretso siyang pumasok sa kotse. “Sige na, pumasok ka na. Malamig.”

At ayun—andar ang kotse, harurot palayo.

“Jusko po, ’wag sanang maaksidente ang aso na ’yon,” bulong ko.

Pero teka… ano bang meron sa paper bag at personal pa niyang dinala?

Binuksan ko.

Lumaki ang mata ko.

THE DRESS.

’Yung dress na gustong gusto ko sa mall—’yung sinabi niyang binabastos ko raw ang designer. Pch!

Pero bigla akong napangiti. Suhol ba ’to dahil inalagaan ko siya nung may sakit siya?

Hindi ko na inisip. Tinataas ko ang dress at sumigaw,

“ASO! THANK YOU SA DRESS!”
Alam kong hindi niya maririnig…
pero kilig ako, eh.

***
Kinabukasan. Sinundo ako nina Dorine at Queency para sabay-sabay kaming pumasok. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Matthew. Malayo pa lang, nakangiti na siya sa’kin. Nag-flip ako ng hair at slow-motion na naglakad.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon