Chapter 25

2.6K 84 20
                                        

Chapter 25

Jea’s POV

Nagising ako sa mahinang katok sa labas ng kwarto. Nag-unat muna ako bago tumayo. Nakapikit pa ako habang binubuksan ang pinto.

“Good morning, baby.”

May biglang humalik sa labi ko. Napadilat ako at nakita ko siyang nakangiti nang malapad.

He’s wearing a white linen long-sleeved polo and light gray slacks, paired with minimalist leather sandals. Ang fresh niya at ang gwapo.

“Akin lahat ‘to?” bulong ko, wala sa sarili.

He kissed me on the lips again. “Oo. Sayo lahat ‘to.”

Kinikilig ako. Pwede ba akong tumalon at magpagulong gulong?

And He grinned mischievously. “Go take a shower, or we’ll be late for our parents’ wedding.”

Oh shit! Muntik ko na makalimutan ngayon nga pala ang kasal nila. Napatakbo ako sa Cr at mabilis naligo.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, tumingin ako sa salamin at napangiti. Naka-simple white slip dress ako na may minimalist silhouette, at strappy sandals naman ang pang-ibaba. My makeup was natural and glowing, and my hair was just in soft waves.

Nagulat ako nang pumasok si Zean at pinulupot ang dalawang kamay niya sa bewang ko habang nakatingin kami sa salamin. Nakangiti siya.

“Napakaganda mo.”

Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Hinarap niya ako at may kinuha sa bulsa niya.

“I think bagay ito sa‘yo.” at nilabas niya ang hairclip.

“Ang hairclip ko.” bulong ko.

Hindi ko na nakuha sa kanya nung nasa yate kami dahil masyadong occupied na ang utak ko sa ginawang paghalik niya sakin.

“You look perfect my angel, absolutely beautiful.” Then he kissed me on the forehead. “I could only ask myself, Zean Calvin sayo lahat ‘yan?”

Napatakip ako ng mukha sa sobrang kilig. I can’t imagine na gumaganyan siya. Syempre nakilala ko siya sa angas at madilim niyang pagkatao tapos ganyan siya. Juskopo!

“Sa susunod, tayo na ang ikakasal.”

Shit. Iniisip niya agad na magpapakasal kami. Ibig bang sabihin wala na akong takas sa kanya?

Umalis na kami ng bahay. Isang oras kami nakasakay sa eroplano bago makarating sa caticlan airport. Pagdating namin sa island sinundo kami ng isang sasakyan papunta sa beach.

Sa Boracay ang wedding nila. Dito nila napagdesisyunan ganapin ang intimate beach wedding.
Minimalist modern beach ang concept. white at champagne ang color palette. Ang ganda, very calm and classy ramdam mo ang warmth at love sa buong setup. Perfect talaga sa ambiance ng Boracay.

Malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang iniimbitahan sa kasal nila. Inimbitahan ni Mama ang pamilya nina Dorine at Queency dahil malapit na sila sa’min. Ganoon din ang mga kaibigan ni Zean, karamihan ay business partners ng mga magulang niya, kaya intimate at personal ang feel ng buong selebrasyon.

Tahimik lang ang mga guests habang hinihintay ang bride na pumasok. Tanging tunog ng alon at malumanay na musika ang maririnig mo.

Maya-maya pa, biglang lumabas ang bride mula sa gilid.

Ang ganda ni Mama.

Nakasuot siya ng classic white, glowy A-line wedding dress. Natural lang ang make-up niya, at ang buhok ay naka-soft blow waves na may maliliit na bulaklak sa gilid. Lahat ng tao ay nakangiti, may mga bulong na “ang ganda niya.”
Samantala, nakatitig lang ang groom sa kanya, nakangiti, halatang  kinilig sa bawat hakbang niya papalapit.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon