Chapter 41
“Bakit? Bakit hindi ka gumanti?! Bakit hindi mo sila nilabanan?!”
Sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
“Kapag gumanti ako, hindi kita mapro-protektahan.” mahina niyang sambit.
Ngayon ko naiintindihan.. Ibig sabihin pala, ang pagtitiis niya sa lahat ng suntok at sipa… ay para lang maprotektahan ako.
Hindi ako makahinga.
Napasigaw ako nang pinalo sa binti niya ang dos por dos. Pero nakakainis, nakuha pa niyang ngumiti na para bang hindi siya nasasaktan sa lahat ng pambubog ng mga ito.
“Hanep ang mga alaga mo, Scarleth! Ang titibay!” Humalakhak siya na parang nakakaloko.
“Tumigil ka na, Zean! Tumigil ka na!” Sigaw ko nang hysterical.
Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. “I’m okay. Don’t worry. Hindi nila basta-basta mapapabagsak ang demonyong tulad ko.”
Nagulat ako nang tinulak ako ni Scarleth, kaya napasubsob ako sa pader. Padabog siyang naglakad papunta kay Zean at sinipa siya sa paa.
“Damn you! Why don’t you fight back? Why are you doing all of this? for this girl? My gosh!” Malakas niyang sigaw, sabay tinadyakan si Zean sa dibdib.
Narinig ko rin ang kanyang pag-iyak habang sinasabi ang mga iyon.
“Jea… are you okay?” Mahinang sabi niya.
Umiyak na lang ako. Nakuha pa niyang alalahanin ako, samantalang siya ang sobrang nasasaktan.
“Why her, Zean?! Why?! I’m beautiful, I’m rich, so why can’t you love me?! Why don’t you look at me the way you look at her?! Are you blind?!”
Yumuko siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Zean at hinarap sa kanya.
Pero si Zean… nanatiling nakayuko, o kaya nakatingin sa akin, hindi niya sinalubong ang tingin ni Scarleth.
“Sabihin mo… ano pa ba ang kulang para tanggapin mo ako?”
“Jea…”
“Why don’t you like me?!”
“Jea…”
Tinulak niya si Zean hanggang matumba. “Yumuko ka sa harapan ko! Lumuhod ka! Mag-makaawa ka! Tell me that I’m pretty! Fall in love with me as if you couldn’t live without me!”
“Jea!”
“BAKIT HINDI MO AKO TINITIGNAN?!”
Sa galit ni Scarleth, kinuha niya ang dos por dos ng kasama niyang lalaki at pinalo sa ulo ni Zean. Kitang-kita ko ang dugo na tumutulo sa gilid ng ulo niya. Nataranta ako—pero parang wala lang kay Zean. Samantalang si Scarleth… parang walang nakita. Parang sinasabi niya na tama ang ginawa niya. Wala akong makitang pagsisisi sa mukha niya. Tao pa ba siya?
“You deserve that! Do you really want me to do something even worse here?”
Inutusan niya ang kasama niya na itayo si Zean. Lumapit siya sa may tenga nito at may binulong. Biglang nag-iba ang expression ng mukha ni Zean. Tumingin siya kay Scarleth na parang hindi makapaniwala sa sinabi nito.
Pagkatapos non, umalis silang magkakasama. Paglabas nila, Natulala ako ng ilang segundo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang hindi na ako makahinga.
Bakit niya ako iniwan? Anong nangyari?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala at umiiyak. Naramdaman ko nalang na may nagyuyugyog sa katawan ko at tinatanggal ang tali sa kamay ko.
“Jea.. Nandito na ako, okay ka lang ba?”
Pagtingin ko nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Matthew. Anong ginagawa niya dito?
“Bakit ikaw ang nandito?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko wala na akong lakas magsalita pa.
Hindi niya ako sinagot. Niyakap niya ako nang mahigpit.
“Ano bang nangyari? Bakit niya ako iniwan dito?” Umiyak na sabi ko, sabay hampas sa balikat niya. Ang mata ko ramdam ko namumugto na sa kakaiyak.
“Iuuwi na kita..” mahina niyang sagot at dahan-dahan akong inalalayan tumayo.
“Bakit hindi mo ako sinasagot?”
Sobrang hina na nagkatawan ko bago pa ako makapagsalita ulit tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Nandilim na ang buong paligid. Naramdaman ko nalang na may sumalo sa katawan ko.
***
Nagising ako sa marahang haplos sa kamay ko. Nilibot ko sa buong paligid ang mata ko. Nasa hospital pala ako. Nakita ko si Mama at Tito Greg nakaupo sa tabi ko. Nandoon din si Matthew, Dorine, Queency, Nikolo, Tyrone, King at Smoke. Lahat sila nandito, nasaan si Zean?
“Hey, are you okay?” Mahinang tanong ni Nikolo.
“Hindi namin alam, walang sinabi samin si Zean..” Dagdag pa ni Tyrone.
“Jea..” mahinang tawag ni Dorine sa pangalan ko. “Kamusta ang pakiramdam mo?”
“Si Zean nasaan?” My voice crack. Hindi ko na napigilan umiyak.
“We don’t know kung nasaan siya.” sagot ni Smoke.
“Nakapatay ang phone niya.” Dagdag pa ni King.
Bakit wala siya dito, siya ang gusto kong makita. Hindi ba niya alam na nandito ako sa hospital?
“Jea, sweetie.. I’m sorry hindi ko alam na ganito na ang nangyayari..” hinawakan ni Tito ang kamay ko. “Kakausapin ko si Zean as soon as he get home.”
He get home? Hindi pa siya umuuwi? Zean nasaan ka ba?
“Anak, nasabi sakin ni Queency na pangalawang beses na ito nangyari bakit hindi mo sakin sinabi?” umiiyak na si Mama habang hinahaplos ang ulo ko.
Tinignan ko si Queency. Ngumiti siya ng pilit at tumango. Ang daldal talaga niya. Hanggat maaari ayokong malaman ni Mama—ayokong mag-aalala siya.
“Sorry Jea, I think kasi need ni Tita malaman.”
“Ano ka ba.” mahinang saway ni Mama. “Wag mong sisihin si Queency. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko pa malalaman ito. Hanggang kailan mo balak itago ito Jesha?”
“Sorry ma..”
“Tatawagan ko ang papa m—”
Pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin. “Huwag na ma.. Ayokong mag-alala doon si papa.. Okay na ako..”
“Gusto mo bang magtransfer nalang sa Canada?” Tanong ni Mama at pinunasan ang luha niya. “Para maiwasan ang ganitong gulo.. Napapahamak kana dahil sa pagmamahal na yan.”
“Tita don’t!” Nabigla ako sa biglang pagsalita ni Matthew lahat kami napatingin sa kanya.
“Bakit hindi?” Tanong ni Mama.
Pero hindi makasagot si Matthew parang may pumipigil sa kanya na huwag na dugtungan ang iba pa niyang sasabihin.
Nagkunot noo ako.
“Ma, hindi na po.. Dito lang ako.”
Ayokong iwan dito si Zean. Paano kung hanapin niya ako? Paano kung magalit siya dahil iniwan ko siya? Nangako ako sa kanya na hindi ako aalis sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
