Chapter 32

2.5K 89 7
                                        

Chapter 32

Jea’s POV

Nakayuko parin ako habang si Zean nanatili lang sa tabi ko. Na para bang sinasabi niya na nandito lang siya at sasalohin lahat ng galit ni Mama.

“Pinapaaral ka sa magandang paaralan para matutunan mo ang salitang hiya pero—”

Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya. Isang malakas na sampal ang bigla kong narinig.
Napaangat ako ng mukha, at doon ko nakita si Zean. Sinalo niya ang sampal na para sana sa akin. Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat.

Sandaling natigilan ang lahat.

Dahan-dahang umatras si Mama. Alam ko, nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zean kaya siya namutla. Kahit nakatalikod siya sakin. Alam ko, wala na ang dating kalmado niyang anyo. At ramdam ko nanlisik na ang mga mata sa galit.

Hinawakan ni Tito ang balikat ni Zean, pilit siyang pinipigilan sa kung ano mang susunod niyang gagawin. Ngunit marahas na iniwaksi ni Zean ang kamay niya.

“Ze, please calm down.” Mahinang pakiusap ni Tito.

“Fuck! Hurt her, and you’ll regret it… I might even forget you’re my dad’s wife.”

Bawat salita niya ay puno ng malamig na banta, parang kaya niyang kumalas at sirain ang lahat sa paligid niya.

“Hindi niya kasalanan,” mariin niyang sabi. “Kung may dapat kayong pagalitan, ako lang.”

Sandaling katahimikan ulit.

“Zean please stop it!” Mariing saway ni Tito.

Nakita ko ang kamao niyang mahigpit na nakayukom—tila ba handa na iyong manakit anumang oras. Kahit hindi ko man makita ang mukha niya, alam kong nakakatakot na ang itsura niya. Ramdam ko iyon sa bigat ng hangin sa paligid.

“Ipinagkatiwala ko sa’yo si Jea. Ganyan mo ba iingatan ang kapatid mo?” puno ng emosyon na sabi ni Mama. “Kasal na kami ng Daddy mo kaya magkapatid na kayong dalawa!”

Gusto kong magpaliwanag pero parang wala akong boses.

“Fuck! We’re not even related! Hindi niyo ba maintindihan ’yon?!”

His voice was low, controlled… but every word dripped with danger.
“I can’t see her as my sister… because I love her.”

Para akong nabato sa narinig. May halong kasiyahan ang naramdaman ko sa sinabi niya. Hindi ko na kailangan magsalita dahil nasabi na niya ang gusto kong sabihin kay Mama.

Hinawakan ko ang kamao niya. Nakaupo pa rin ako dahil hindi ko kayang tumayo—panginginig pa rin ng tuhod ko.

“Zean… tama na…” mahina kong sabi.

Lumingon siya kaagad sakin. Yumuko siya para pantay ang mga mata namin sa isa’t isa. Bumalik sa sigla ang mga mata niya nang nakita ako. Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ako.

“Huwag ka nang umiiyak. Nandito lang ako.”

Tumingin ako kay Mama, halatang nagulat pa rin sa mga nasaksihan niya.

“Ma… sorry po,” pahikbi kong sabi.

“Makakarating ‘to sa papa mo, nakakahiya!” matigas niyang sabi bago tuluyang umakyat sa taas.

Sinundan siya ni Tito. Naiwan kaming dalawa, sabay kaming napabuntong-hininga.

“I love you,” bulong ni Zean sa akin, may halong pag-aalala, at tinignan ako sa mata.

Siniko ko siya. “Ikaw kasi!”

Ngumisi siya. “You started it.”

Tumingin siya sa akin ulit, iba na naman ang titig niya—parang walang nangyari.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon