Chapter 17

4.2K 107 17
                                        

Chapter 17

Jea's POV

Buong araw akong nakakulong sa kwarto. Nakahiga lang ako, nakatitig sa kisame. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon, dahilan para hindi ako makatulog nang maayos kagabe. Para bang kahit pumikit ako, gising pa rin ang diwa ko.

Gumuhit ang munting ngiti sa labi ko sa alaalang 'yon. Para akong wala sa sarili. Dahan-dahan akong napahawak sa aking labi-hanggang ngayon, parang naroon pa rin ang init ng mga labi niya.

Ang lambot ng labi niya..

Para ko namang pinagtataksilan si Matthew neto.

Napatakip ako ng unan at nagpagulong-gulong sa kama. Magulo ang isip ko, kaya pilit kong itinataboy ang mga pumapasok na ideyang hindi ko dapat pag-tuunan ng pansin.

"May boyfriend ka na... dapat siya ang iniisip mo, hindi ang halik ni Zean."
Napasigaw ako sa sarili.

Parang may diperensya na yata ako sa paraan ng pag-iisip ko-hindi ko maalis sa utak ko ang sandaling iyon, kahit alam kong mali.

Bumalik ako sa realidad nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nak, pwede pumasok?" tanong ni Mama.

"Opo," sagot ko, habang napaupo.

Binuksan niya ang pinto at umupo sa tabi ko. Seryoso ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako nang mabuti, para bang tinatansya kung ano ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya.

"Ma ano po yun?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"May gusto akong sabihin sa'yo... pero sana huwag kang magagalit," sabi niya, habang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Kinakabahan naman ako sa sasabihin mo, Ma," mahina kong tawa. "Ano ba yun?"

Huminga siya ng malalim at ngumiti nang bahagya. "Gusto ko ulit magpakasal..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Alam kong medyo matagal na silang nagkaka-relasyon ng boyfriend niya, pero bakit biglang magpapakasal?

"Sure ka ba, Ma?" tanong ko, medyo nagtataray. "Hindi ko pa nga nakikilala yang boyfriend mo, magpapakasal ka na agad?"

Binawi ko ang kamay ko at tumalikod sa kanya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"'Ayaw mo ba akong magpakasal? Hindi ko na itutuloy..." sabi niya nang may lungkot.

Bigla akong napalingon. Nakayuko siya, halata ang lungkot sa mukha niya. Na-guilty ako bigla. Hinawakan ko ang ilalim ng baba niya at inangat ang mukha niya. Ngumiti ako.

"Ma..." mahinang boses ko. "Huwag mong isipin na ayaw ko magpakasal ka. Syempre, gusto ko masaya ka. Kung sa tingin mo siya ang magbibigay ng kaligayahan sa'yo, hindi ako tutol. Ang sa akin lang po, sana ipakilala mo muna siya sa'kin bago ka magdesisyon."

"Natatakot kasi ako baka magalit ka... Saka hindi pa ako sigurado noon," paliwanag niya.

Ngayon, sigurado na siya kasi magpapakasal na.

Umiling ako. "Ma... Huwag mong isipin na magagalit ako. Basta masaya ka, masaya na din ako," ngumiti ako.

Umaliwalas ang mukha niya. "Ipapakilala na kita, magdidinner tayo mamaya." masaya niyang sabi.

Sinundan ko siya nang tingin palabas ng kwarto ko. Napahiga ulit ako. Ito na ba ang simula. Mag-iiba na ba ang buhay namin?

Kinakabahan ako baka hindi ko siya makasundo. Pero sana mabait siya. Ayokong malungkot si mama kapag hindi ko magustohan ang mapapangasawa niya.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon