Chapter 37
Kinabukasan, naglalakad ako papunta sa clubhouse nila Zean, dala ang cake na binake namin kanina sa baking class. Habang nakatitig ako sa heart-shaped box, hindi ko maiwasang ngumiti.
Baliw ba ako?
Kinikilig kasi ako.
Pagpasok ko, nagulat ako nang makita siyang matamlay na nakaupo sa couch. Balot na balot ng makapal na jacket na may hood, naka-bonnet pa, may mask at salamin pa. Mukha siyang astronaut.
“Hoy, sabihin mo nga anong trip mo at ganyan ang suot mo?” tanong ko agad pagkalapit.
“Ano sa tingin mo?” mataray pero halatang nanghihina niyang sagot.
“Wait… may lagnat ka ba? Okay ka naman kaninang umaga ah.”
Nilapag ko ang cake sa mesa at umupo sa tabi niya.
“Thanks to you,” nakairap niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. “Bakit ako? Diba sinabi ko na sayo kotse ang dadalhin mo.. tigas kasi ng ulo mo.. Okay ka lang ba?”
“What do you think? Come here.”
Ginamit niya ang daliri niya para tawagin ako palapit.
Lumapit naman ako.
Bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at inubo nang malakas.
“Bastos ka! Bitiwan mo nga ako! Kadiri ka!” sigaw ko habang pilit umiiwas sa pagbubuga niya ng ubo.
“Now you know I’m not okay,” he said, his voice a little hoarse. “Why are you even here? Did you miss me already? Tsk. Don’t make it obvious that you’re totally head over heels for me.”
Sa puntong ‘yon, binatukan ko siya. “Feeling mo.”
“Feeling?” taas-kilay niyang tanong.
“Oo. Ito oh, para sa’yo.” Kinuha ko ang box at inabot sa kanya.
Tumingin siya sa box, tapos sa akin.
“Ano ’yan?” kunot-noo niyang tanong.
“Tingin mo? Sige, libro ’to.” Sabi ko nang may sarcasm. “Gumawa kami ng cake sa baking class… may natira pa ka—”
“Are you really gonna give me just the leftovers?” he interrupted.
Yumuko ako. “Hindi… ano… ginawa ko ’to pa—”
“Cake? Are you serious? My throat’s all raw and you’re gonna feed me something sweet?” he said, clearly annoyed.
Mahigpit ang hawak ko sa box. Pinaghirapan ko itong gawin para sa kanya—tapos aayawan niya? Ano na lang ‘yung magkunwari siyang kukunin niya? Napahiya ako. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam niya.
Biglang hinablot ni Smoke ang cake sa kamay ko.
“I love cake! Akin na lang ‘to. Jea, you’re so kind, thank you!”
Lumipat ang tingin ko kay King, na kinuha rin mula sa kamay ni Smoke ang cake. “Share tayo. Gutom na ako.”
Tumingin naman si Zean at kinuha ang box. “This is mine,” sabi niya, determined.
Tumayo siya at naglakad palabas. Sumunod ang dalawa, naka-cling sa braso niya.
“Pahingi kami Zean, kahit konti lang!” sabay pakiusap nila.
“Wag kang greedy. Sa amin na lang ‘yan! May sakit ka, hindi pwede sayo yan… Please, gutom na ako eh!” sabi ni King.
Iniwan akong mag-isa. Saan kaya niya dadalhin ‘yun? Bakit kailangan pang umalis? Itatapon kaya niya?
Ilang minuto lang, bumalik silang lima kasama sina Dorine at Queency. May dala ring cake sina Nikolo at Tyrone. Pero si Zean wala ng cake na hawak. Tinapon niya ba?
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
