Chapter 43
Nandito kami ngayon sa beach sa batangas. Tumakbo agad ako nang makita ko si Andrie sumalubong samin pagbaba sa van. Grabe, mas naging gwapo pa siya lalo.
"Kuya!"
Niyakap niya ako nang mahigpit. "I told you, don’t call me 'kuya.' I'm only a year older than you…” hinalikan niya ako sa noo. “I miss you so much.."
Simula pagkabata, close na kami ni Andrie dahil kaming dalawa lang ang magpinsan. Anak siya ng kapatid ni Papa. Ang pamilya nila papa doon na talaga naka-base sa Canada.
Sa Canada nagkakilala sina Mama at Papa. Nagtatrabaho si Mama noon sa restaurant ni Papa, at doon nagsimula ang lahat. Doon din ako ipinanganak. Pero nang matapos ang kontrata ni Mama sa trabaho, napagdesisyunan niyang umuwi sa Pilipinas kasama ako. Sumunod naman si Papa kasama si Andrei.
Sumama siya kay papa dahil ayaw daw niya na magkalayo kami. Mabuti at pinayagan nila Tita dito siya nag-aral. Nang naghiwalay si Mama at Papa sumama si Andrie pabalik sa Canada.
“Namiss kita sobra.”
“Sana kami naman ang bisitahin mo sa Canada,” nakanguso niyang sabi.
Natatawa ako kasi parang may accent na at may pagka-slang ang Tagalog niya.
“Tara na, pumasok na tayo.” Excited na hinila ni Queency at Dorine ang kamay ko papasok sa loob.
Magkakaibigan na kami simula elementary, kaya kilala na rin niya sina Queency at Dorine.
“What about your stuff?” tanong ni Andrie.
Natatawa kaming nilingon siya at sabay na sumigaw, “Buhatin mo na!”
Wala siyang nagawa kundi dalhin ang mga gamit namin. When we walked inside, my soul nearly jumped out of me. Nakasabay namin sila sa reception desk. Si Scarleth at Zean. They were dressed so neatly, looking like they’d just come from a meeting.
Dito pa talaga? Sa dinami dami ng lugar dito talaga?
Ang sakit sa puso makitang magkasama sila. Parang gusto kong bumalik sa labas at umuwi.
“Bakit sila nandito?” bulong ko kay Queency, halatang nagulat din siya sa nakita.
“Malay ko, Jea. Hindi naman ni Andrie ni-rent ang buong resort para tayo lang dito.” taas kilay na sagot ni Queency.
“Ayokong makita sila… para akong tinoture,” malungkot kong sabi.
“Edi ipikit mo na lang ang mga mata mo,” sarcastic na sabi ni Dorine habang tinakpan ang mata ko.
Tinanggal ko ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay. “Nakakaasar ka.”
“Saka mukhang aalis na sila. Hindi ka nga nakita oh,” dagdag ni Queency, sabay turo sa dalawa.
Pinalo ko ang kamay niya sa inis at pinatalikod silang dalawa. “Nagturo ka pa talaga.”
“Sorry na.”
Ilang segundo lang, dumating si Andrie dala-dala ang mga gamit namin. Napapikit ako sa inis. Isa pa ito! Mag-iingay ’to for sure.
“Jea!” Halos lumabas ang mata ko sa ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko.
Lumapit siya at ibinigay ang mga gamit namin. “Oh, dalhin niyo na yang mga gamit niyo sa kwarto, para kayong mga Disney princess.”
“Pwede ba, Andrie, ang ingay mo!” saway ni Dorine.
“Bakit ba? Anong meron?” inosente niyang tanong, tapos inakbayan ako at inikot sa direksyon nila Scarleth at Zean. Shit!
“Siya nga pala, Jea, in-invite ko si Mark, yung crush mo noong elementary. Okay lang ba?”
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
