Chapter 36

2.2K 72 17
                                        

Chapter 36

After finishing my shower, I reached for the doorknob—then suddenly froze. I was completely naked, with only a towel wrapped around my body.

Temptation is hard enough to fight… and here I was overthinking everything.

What on earth is wrong with me?

“Zean!” tawag ko. Walang sumagot.

Inulit ko pa. “Zean!”

Tahimik pa rin.

Napairap ako sa inis. Wala akong choice kundi buksan ang pinto. Pagbukas ko, bumungad sa paanan ko ang isang paper bag.
Yumuko ako at kinuha iyon. Pagtingin ko sa loob, may isang T-shirt at shorts—hindi naman maiksi, aabot hanggang tuhod ko.
Pero uminit ang pisngi ko nang makita ko ang huling laman ng bag—isang bra at panty.
May nakalagay pang maliit na papel sa loob. Get dressed.

Huwag mong sabihing nag-abala pa siyang bilhan ako ng bra at panty? Kahit nakakahiya... bakit kinikilig ako? Akalain mo ’yon—si Zean Calvin Harris, bumili ng bra at panty para sa’kin!

Nakangiti akong pumasok sa banyo at nagbihis. Saktong paglabas ko nakita ko siyang inaayos yung pagkain. Saan ba galing to?

“Do you girls really take this long to shower?” he hissed, “I ordered food. Go ahead and eat. I’ll take a shower.”

"Okay" Matipid kong sagot.

Pumasok siya sa loob ng banyo. Habang ako pinapatuyo ko ang buhok ko nang pakiramdam ko hindi na masyado basa ang buhok ko umupo na ako at tinikman yung pagkain.

“Masarap ba yung pagkain?”

Napatingin ako kay Zean at biglang nagulantang. Nabitawan ko ang hawak kong nuggets. Ilang beses ako napalunok sa tumambad sa mga mata ko.

Naka-tapis lang siya palabas ng banyo, basa ang buhok, at kitang-kita ko ang anim na “pandesal” sa tiyan niya. Ang bilis naman niyang maligo… at ang bango niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa wet look niya—parang lalo lang nitong pinapainit ang buong kwarto.

Teka… bakit biglang uminit kahit malakas ang aircon?

Hindi ko alam kung saan tumitingin dapat ba akong tumingin sa kanya o sa pagkain?

Whaa! Ang utak ko parang nagkakagulo na. Stop it, Jea!

Pero bakit parang masarap kainin yung mga pandesal? Stop it, Jea!

Ang bawat galaw niya, bawat patak ng tubig sa buhok niya, parang katawan ko ang tinatamaan non.

Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot. Ang init ba sa paligid… o ang init sa sarili ko.

“Oh, why are you staring at me like that? Tempted by my body?” He grinned.

Iniwas ko agad ang tingin ko. “Kapal! Hindi! P-pwede bang magsuot kana ng damit!”

“Okay… should I take off this towel in front of you?” he teased.

“SUBUKAN MO AT TATAMAAN KA SA’KIN!!!” sigaw ko, sabay takip ng mukha ko.

“Then why are you blushing?” naramdaman ko ang bigla niyang paglapit, at bago pa ako makagalaw, kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa abs niya.

SHIT. SHIT.

Hindi ako lumingon pero napakagat labi ako at pinipigilan ang kilig na dumadaloy sa katawan ko.

Agad kong inalis ang kamay ko,
“LUMAYO KA! ABNORMAL KA BA HA? LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!” sigaw ko, sabay takip ng mukha ko, Ang init ng pisngi ko.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon