Chapter 39

2K 69 3
                                        

Chapter 39

Jea‘s POV

"Salamat sa pagtatanggol! Ikaw na ang hero ko hindi ko na favorite si spiderman.." Masigla kong sabi kay Dorine sabay niyakap siya.

"Wala yun! bakit ka pinagtutulungan ng mga frog face na yun doon sa labas ng campus? May utang ka ba sa kanila?" Nakasimangot na tanong ni Dorine.

Nandito kami sa cafeteria, kumakain ng lunch kakatapos lang ng klase namin.

"Utang ka diyan, Si Matthew kasi parang abnormal nagalit tuloy ang mga fans niya." nakairap ako habang nakatingin kay Matthew na masayang kumakain.

"Malay ko bang maniniwala sila na asawa kita.." natatawang sabi niya.

“Isusumbong kita kay Zean, lagot ka.” pagbabanta ni Queency. “Isusumbong kita muntik na masaktan si Jea—”

Mabilis na tinakpan ni Matthew ang bibig ni Queency at pinandilatan ng mata.

“Tumigil ka nga, kapag yan nalaman ni kuya uusok na naman yon sa galit.”

Napatango ako, "Hayaan mo na hindi naman ako nasaktan.”

"Ang bait mo talaga Girlfriend kaya mahal na mahal kita eh!" Pinisil niya ang pisngi ko.

Mahal pa niya ako? No, baka nagjojoke lang siya.

Tinulak ni Dorine ang noo ni Matthew palayo sakin, "Wow, may lihim pa na pagmamahal ang ating ginoo.”

“Ewan ko nalang kung saan ka pupulutin kapag naririnig yan ni Zean."

Tumawa ako sa sagot ni Queency.

"Joke lang, mahal ko siya bilang kaibigan!" Sabay iwas ng tingin. Tapos kumain.

Joke daw eh, namumula ang pisngi nya.

Napatayo ako. Bigla kong naalala! Yung pagkain ni Zean. Pinagluto ko kasi sya kanina ng lunch. Napansin ko, nagseselos siya sakin dahil palagi akong pinagluluto ni Tito. Isip bata talaga!

"Bakit girlfriend, anong problema mo? Ba’t ka nakatayo?" tanong ni Matthew.

“Nakalimutan ko may gagawin pa pala ako! Bye!"

Inayos ko yung gamit ko at tumakbo palabas ng cafeteria. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Zean.

To: Devil Monster
Nasaan ka?
From: Devil Monster
Pakialam mo!

Demonyong ito! Bakit ba ang sungit niya?

To: Devil Monster
Nasaan ka nga?! >_<
From: Devil Monster
Diretso ka lang.

Huh? Ang labo nya magbigay ng direksyon. Sabi nya diretso daw. Diretso kong nilakad ang hallway. Kaso wala akung makitang anino nya. Niloloko ba nya ako?

Exit door na 'to eh! Nasaan a sya? Di kaya kinain ng pader? O baka naman nakasabit doon sa taas? Ay shet! Di naman sya si Spiderman.

Napatalon ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at binuksan ang message galing sa kanya.

From: Devil Monster
Pumasok ka.

Grabe! Paano nya nalaman na nandito na ako? Believe na talaga ako sa kanya.

Pumasok ako sa exit door. I saw him seating on the stairs. Nakasandal sa pader habang may headphone sa tenga. Ang tahimik niya. May problema ba siya? Napansin ko may tatlong opos ng sigarilyo na nakakalat.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon