Chapter 13

3.3K 116 12
                                        

Chapter 13

Jea‘s POV

“AHHHHHHH! JUSKO PO!” Napasigaw ako sa sobrang gulat.

Halos tumalon ang puso ko sa dibdib nang bigla siyang tumambad sa harapan ko paglabas ko ng bahay.

Si Matthew.

Ano’ng ginagawa ng napaka-gwapong nilalang na ’to sa mismong pintuan ko?

“Sorry, nagulat ba kita?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi.

Umiling ako, pero hindi ko na nagawang magsalita. Parang kusang kumilos ang mga mata ko—mula sa maamo niyang tingin, bumaba sa ilong, hanggang sa labi niyang bahagyang nakangiti. Doon ako natigilan.

Napangiti ako nang wala sa oras.
Ito ba talaga ang boyfriend ko?
O nananaginip lang ako?

Kung panaginip man ito, ayokong gumising.
Dahil sa harap ko ngayon, nakatayo ang lalaking kayang guluhin ang mundo ko sa isang ngiti lang.

Huminto ang mga hakbang namin nang tuluyang magsiksikan ang mga estudyante sa harap ng bulletin board.

Mas lalo akong kinabahan.

“Ano’ng meron?” bulong ko, pilit sumisilip sa pagitan ng mga balikat nila.
May isang estudyanteng napaatras, at doon ko nakita.

Nakalagay sa gitna ng bulletin board ang malaking litrato.
Kaming dalawa. Magkatabi. Magkalapit.

Sa ilalim nito, may naka-bold na title:
“NEW POWER COUPLE?”
Matthew & Jesha spotted together.

Biglang uminit ang pisngi ko.
“Ha? Ano ’to?” mahina kong sabi, hindi alam kung matatawa o maiinis.

Narinig ko ang mga bulungan sa paligid.
“Uy, sila nga.”
“Kaya pala…”
“Bagay ah.”
"Hindi kaya sila bagay"
"Mas bagay kami."

Ramdam kong gumalaw si Matthew sa tabi ko. Mas lumapit pa siya sakin. Bahagya niyang inilagay ang kamay niya sa likod ko.

“Looks like hindi na natin kailangan magpaliwanag,” natatawang bulong niya, may halong ngiti sa boses.

Sino ba kasi naglagay niyan?

“Alam na nila.”
Napatingin ako sa kanya, pinanlakihan ko siya ng mata.

“Matthew—”

Tumawa siya nang mahina, saka tumingin diretso sa bulletin board.

“Kung tsismis man ’to,” sabi niya, kalmado pero matatag, “hindi ko naman balak itanggi.”

Ngumiti siya. Ngiting kayang tunawin ang yelo.

Nakasalubong namin sina Queency at Dorine. Parehong ang lapad ng ngiti—ngiting may halong panunukso.

“Sabay pa talaga kayo pumasok ah,” sabi ni Queency, tinaasan pa ako ng kilay.

“At ang sweet,” dagdag ni Dorine habang natatawa, tinuturo ang hawak kong lunch bag. “Lunch ba yan? Nakakaloka may pa-lunch box pa siya oh...”

Ngumiti ako, pilit.

Pero biglang may kumurot sa isip ko.

Baka isipin ni Matthew sa kanya 'to..
Anong gagawin ko kung magtanong siya..
Ano ba kasing iniisip ko at pinatulan ko ang request ng lasing?

Parang may malamig na dumaloy sa batok ko.

Napahigpit ang hawak ko sa lunch bag. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Matthew—nakatayo lang siya sa tabi ko, kalmado, walang ideya.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon