Chapter 55

1.6K 62 7
                                        

Chapter 55

Ito ang araw na magdidinner kami kasama ang lolo ni Zean. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba ko.

Paano kung magkamali ako sa sasabihin ko?
O di kaya si Mama?
Paano kung bawat galaw namin, ino-obserbahan niya?
Magiging masaya ba talaga kami?

"Jea, wait." Tawag ni Zean nang makababa na kami sa kotse.

Huminto ako sa paglakad at nilingon siya sa likod. Ngumiti ako.
Yung pagmamahal ko talaga sa kanya ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para harapin kahit ano.

I Sigh. Ang gwapo naman niya sa suot niyang blue t-shirt at black leather jacket. May matching nerd glasses pa. Tapos yung suot ko, yung binigay niyang dress sa akin.

"Tita Jane, mauna na po kayo sa loob. Kakausapin ko lang saglit si Jea," ngumiti siya kay Mama.

Huh? Ano kaya ang sasabihin niya?

"Hurry up, your grandfather is waiting," Tito Greg replied.

He said sarcastically, "Don't talk back! I'm talking to Tita Jane, not you!"

"Okay. Basta bilisan niyo."

"Yes Tita,"

Magkahawak kamay silang pumasok sa resto.

"bakit gusto mo ko kausapin?"

Hindi niya ako sinagot tapos nakita kong may kinuha siya sa pocket niya. Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko tapos tinaas nang kaunti.

Nagulat ako at kumurap, "Ano bang hinahanap mo sa mukha ko?"

Nabigla ako nang pinunasan niya ang mukha ko... pati ang lips ko. Ang seryoso ng mukha niya habang ginagawa 'yon. Nahiya ako dahil sumulyap sa amin ang ibang tao na pumapasok sa resto.

"Yung make-up ko!" pagrereklamo ko.

"Sino nagsabi sayo na mag-makeup ka?" bulong niya, halatang naiinis.

Sumimangot ako at nagpout. "Pangit ba?"

"Mas maganda ka kapag walang make-up! At isuot mo ito... Malamig sa loob," sabi niya at pinatong sa balikat ko ang jacket niya. "Much better. Tara na!"

Hahawakan sana niya ang kamay ko pero nilayo ko, kaya tiningnan niya ako nang masama.

"Makikita tayo ng lolo mo!" sabi ko.

"Wala akong pakialam!" Walang pakundangan niyang hinila ang kamay ko papasok.

Pagpasok namin sa VIP room, bumalot agad ang mabigat na pakiramdam. Tahimik silang tatlo. Si Mama, parang pigil ang paghinga. Si Tito naman, halatang pilit pinapakalma ang sarili.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang magtama ang mga mata namin ng lolo ni Zean.

Nakakatakot pa siya kaysa sa inaakala ko. Para siyang malupit na kontrabida sa pelikula-'yung tipong nang-aapi ng bida habang may mga bodyguard na nakatayo sa likod niya.

Kahit matanda na, bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging guwapo. Pero mas nangingibabaw ang pagiging istrikto ng mukha niya.

Hindi na ako magtataka kung sa kanya nagmana si Zean ng gano'ng nakakatakot na aura. Matalim ang mga mata niya-parang kayang basahin ang kaluluwa mo.

"Stop staring at her, old man!" galit na sabi ni Zean.

Hinila niya ang upuan para sa akin bago siya umupo sa katabi ko. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ng lolo ni Zean.

"You are Jea?" he asked, his tone cold.

Pati ang boses niya, nakakatakot! Teka, paano niya ako nakilala?

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon