Chapter 44

2.3K 68 2
                                        

Chapter 44

Tumayo ako para salubungin sila. Nagbeso siya kina Dorine at Queency. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin—hindi basta yakap, kundi yakap na puno ng pangungulila, na para bang may nakaraan kami sa paraan ng pagkakayakap niya.

Biglang uminit ang mukha ko. Nagkatinginan kami, tapos ngumiti siya.

“Hi…” matipid, pero kapag narinig mo, parang buo na ang lahat ng gusto niyang sabihin.

“Hello, kamusta…” nahihiya kong tanong.

“Ayos lang. Na-miss kita.”

“Ayieeeee!” Nagulat kaming pareho nang sabay-sabay sumigaw ang tatlo habang panay ang nakakalokong ngiti.

Napakamot sa ulo si Mark at lumapit kay Andrie. “Thanks for inviting me, pre. Masaya akong nakita ko kayong lahat.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang may kahulugan. “Lalo ka na, Jea…”

Samantala, sina Dorine at Queency ay niyuyog ang balikat ko sa kilig.
"Lagyan mo daw siya ng sunblock." kinikilig na sabi ni Dorine at inabot niya kay Mark ang sunblock.

Nahihiyang inabot yun ni Mark. Tinignan niya ako at parang nagpapaalam kung pwede niyang gawin. Tumango lang ako pero kinuha agad yun ni Andrie sa kamay niya.

"Hindi pwede, bawal.. Not allowed.." hinagis niya kay Queency ang bote ng sunblock. "Ikaw na maglagay. Dami niyong alam."

Bumalik siya ng tingin kay Mark at inakbayan ito, "Hindi porket kaibigan kita pre, eh pwede mo nang mahawakan ang katawan ni Jea.. Walang ganoon pre.. Hindi pwede.. Hindi na ako nagreak na niyakap mo eh.."

“Sorry pre ang possessive mo namang pinsan.” natatawang sabi niya.

At nagtawanan kaming lahat.

Possessive?

Tinignan ko ang direksyon kung saan ko nakita si Zean pero wala na siya. Siguro umalis na.

Si Zean ang pinaka possessive sa lahat. Siguro kung nakita niya yon malamang kanina pa nasuntok si Mark. Shit, bakit ko ba siya iniisip? Parang gusto kong umiyak. Namimiss ko na ang presensya niya.

“Sandali lang kukunin ko muna ang cellphone ko naiwan ko sa kwarto. Alis muna ako.” pagdadahilan ko para makaiwas sa lagkit na titig ni Mark.

“Gusto mo samahan kita?” tanong ni Mark.

Umiiwas nga sasamahan pa.

Naiilang kasi ako sa kanya baka sinabi ni Andrie na naging crush nung elementary.

Umiling ako. “Wag na, mabilis lang ako.”

“Jea, pakisabi nalang din sa staff dalhan tayo ng foods.” sabi ni Queency.

“Okay!”

Naglakad na ako papunta sa kwarto nang may biglang humila sa kamay ko at dinala ako sa wala gaanong tao.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" asik ko sa kanya at malakas na hinila ang kamay ko. "Sino ka ba sa akala mo?"

"Get dressed.." mahina pero puno ng autoridad ang boses niya.

His face was so dark with anger, I could practically feel it burning through me—like he could devour me whole. My heart was racing, part of me terrified, part of me thrilled. This… this was the look I had been wanting to see on him all along.

"Sino ka para utusan ako?" matapang kong tanong sa kanya.

Sinubukan kong lumingon sa ibang direksyon, pero ang mga mata ko, hindi ko mapigilan, laging bumabalik sa kanya.

“I won’t say this again. Get dressed, or you’re going to regret it.” Zean didn’t break eye contact. His jaw tightened.

Ang kapal ng mukha niya pagkatapos niya akong iwanan at hindi kausapin ng ilang araw magpapakita siya sakin at uutusan ako na parang walang nangyari.

“Get dressed mo yang mukha mo! Lubayan mo ako!”

Tatalikod na sana ako nang hinila niya ako at sinandal sa pader. Naramdaman kong nanghina ng konti ang mga tuhod ko, gusto kong tumakbo palayo.. Malayong malayo sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa kaba.

“Please..” mahina niyang bulong. “Hindi ko kaya, mababaliw ako Jea.. Please get dressed.”

“Ang kapal ng mukha mo para utusan ako sa susuotin ko? Sino ka ba? Ano ba kita?!” galit na galit kong sabi.

“Alam mo bang gustong gusto na kitang sampalin ngayon?” umiyak na ako. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

“Do it..” I saw him crying.

Kumirot ang puso ko. Bakit siya umiiyak? Pakiramdam ko parang may sobrang bigat siyang dinadala.

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan siy ng masama. "Get lost, Zean. Doon ka na sa Scarleth mo magsama kayong dalawa.."

Malakas ko siyang tinulak at naglakad palayo. Pumunta ako sa kwarto. Nanginginig ang katawan ko kaya napaupo ako sa gilid ng kama. Halos ilang minuto din akong nakaupo at umiiyak.

Nang medyo mapayapa na ang kalooban ko. Inaayos ko ang sarili ko bago bumalik sa kanila.

Naliligo na sa dagat sina Dorine, Queency at Mark. Si Andrie naman nakahiga at nagsusunbathing. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ba ang tagal mo?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko kasi nakita ang phone ko kaya natagalan ako." umiwas ako ng tingin.

Umayos siya ng upo. Tinanggal niya ang sunglasses niya at tinignan ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para humarap sa kanya.

Tumaas ang kilay niya, "Natagalan o umiyak?"

"Hindi ako umiyak!" pagsisinungaling ko at iniwas ulit ang tingin ko.

"Magsinungaling ka na sa lahat Jea, wag sa akin.. Kilala ko buong pagkatao mo.." inakbayan niya ako. "Tell me, si Zean ba?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ilang beses din ako napakurap. Paano niya nalaman ang tungkol kay Zean?

"Pinsan mo ko. You can lean on my shoulder. Iyak na." Sabi niya at pinipisil ang kaliwang balikat ko.

Tinulak ko siya, "Hindi ko kailangan ng balikat mo! Maligo ka na nga doon! Layas na!"

"Tama ako diba? Zean ang pangalan?" may halong pang-aasar ang boses niya.

Napalingon ako sa kanya hindi sa oras, "Paano mo n—"

“Besides being handsome, your cousin is smart too. And of course, because of those two chatterboxes…” he said, nodding toward the two who were laughing loudly. “So he’s your stepbrother?” he asked.

Alam ko na kung kanino nagmana sina Dorine at Queency. I tell him everything..

At bigla niya akong niyakap. Ewan, tumutulo bigla ang luha ko. Tuwing naiisip ko kasi kung paano niya ako iniwan doon tapos hindi kausapin nang ilang araw nadudurog ang puso ko. Napatunayan ko kaya niya akong tiisin.

"Thank you Andrie. I feel better now!" Kakalas na sana ako sa pagkakayap pero hinigpitan pa niya lalo.

“Of course! I was really worried about you. I noticed you seemed down. I’m your cousin—I have the right to know what happened to you!” he said angrily. “Should I go beat him up?”

I pulled away from the hug and looked at him. “Huh? Stop it. You might be the one who ends up getting beaten up.”

“Are you sure? Do you see these biceps?” he said, flexing his arms. “He’ll be crushed by these!”

Inirapan ko siya. Nag-canada lang ang yabang na!

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. “Tara na maligo na tayo!”

Perfect in Bad (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon