Chapter 01

9.6K 215 78
                                        

Chapter 01

Jea's POV

"Kung ako sa'yo, umamin ka na!" sabi ni Queency habang nagbabasa ng menu.

"Go for it! We support you!" dagdag ni Dorine sabay bigay ng fighting spirit look.

"Sigurado ba kayo?" kinakabahan kong tanong.

"Ay hindi!" mabilis na sagot ni Queency sabay irap. "Kaya nga namin tine-test kasi hindi tayo sure eh! Utak naman, please!"

Ang sarcastic talaga ng babaeng 'to. Ipapakain ko sa'yo 'tong menu, eh.

"Pero nakakahiya kasi. Babae ako-bakit ako ang aamin? Baka isipin niya naghahabol ako sa lalaki." Sinubsob ko ang ulo ko sa mesa.

I'm Jesha Rivera-Jea for short. Seventeen years old, HRM student sa Harris Elite University. As for my looks... do I really need to describe myself? Fine. Wavy hair hanggang balikat, medyo maputi, pink pouty lips, long eyelashes. Hindi ako maganda-cute lang.

Naghiwalay ang parents ko noong ten years old ako. Hindi ko agad naintindihan kung bakit, pero habang tumatanda ako, doon ko narealize na siguro hindi talaga sila para sa isa't isa.

Masakit pa rin sa'kin na wala ang papa ko habang lumalaki ako. Pagkatapos ng hiwalayan nila ni mama, nagpunta siya sa Canada. Kaya pinangako ko sa sarili ko-kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya, sisiguraduhin kong hindi kami maghihiwalay. Ayokong lumaki ang mga anak ko nang walang ama.

Kahit kailan Hindi ako nagtanim ng galit sa mga magulang ko. Ganito talaga ang buhay-hindi mo alam ang mangyayari bukas.
Si papa pa rin ang sumusuporta sa pag-aaral ko. Gusto niya nga doon ako mag-aral sa Canada, pero ayaw ni mama. Lagi naman kaming magkausap ni papa, at tuwing birthday ko, pinipilit niyang umuwi para makita ako.

Napabalik ako sa realidad nang magsalita ulit si Queency.

"Paano siya aamin sa'yo. Wala siyang feelings sa'yo, Jesha. Baka nagd-daydream ka lang," sabi niya, sabay ngiti nang may halong panunukso.

"Pero kung magco-confess ka ngayon, baka sakaling magkagusto siya. Sabi nga, when your crush finds out you like him, they'll eventually feel something too."

Saan niya ba 'yan napulot?

"Iyan ang napapala kakabasa mo ng pocketbooks at kakapanood ng Korean rom-coms!" irita kong sagot.

"Isa pa, dalagang Pilipina ako. Hindi ako basta-basta nagbibigay ng motibo sa lalaki!"

"Gaga," smirk ni Dorine. "Wala nang space sa mundo para sa sobrang conservative. Lahat marunong nang lumandi."

"Gusto niyong lumandi ako?" sabay tango nilang dalawa.

"Ayoko." sabi ko, sabay iling.

"If not now, when? If not you, who?" tanong ni Dorine sabay tingin kay Queency.
"You?"

Sabay silang nagtawanan.

Bakit ba ganito mga kaibigan ko?
Tinaas ko ang kamay ko at tinawag ang waiter. "Gutom lang 'yan. Mag-order na tayo."

Pero paano nga ba mag-confess?

Nakakahiya maging first move. Si Matthew Ferez ang crush ko. Classmate ko siya noong high school. Hindi kami close, pero nag-uusap kami tungkol sa subjects. Tahimik siyang tao, kaya tuwing kinakausap niya ako, parang buo na agad ang araw ko.

HRM student din siya, same university kami, pero hindi magka-block. Bukod sa gwapo Basketball captain pa. Kung magkakaroon ako ng first boyfriend, gusto ko siya.
Habang nagd-daydream ako, bigla akong binatukan ni Dorine.

"I think kailangan mo na talagang magtapat. Malay mo, gusto ka rin niya."
"Diba favorite niya carbonara?" tanong ni Queency.

Tumango ako. "Siguro.. Hindi man ako sure kung favorite niya talaga, pero madalas niya 'yong inoorder."

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon