Chapter 03

4.7K 157 51
                                        

Chapter 03

Jea's POV

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?!" Pinipilit kong abutin ang ulo niya para sabunutan siya sa buhok kaya lang hindi ko maabot dahil matangkad siya sa'kin.

Hirap maging pandak. Patalikod niya ako hinihila tapos ang bilis pa niya. Ang ibang mga student ang sama ng tingin sa'kin. Kulang na lang patayin ako sa talim ng titig nila.

"Kaya ko maglakad! Stop pulling my hair!" Galit na galit kong sigaw.

"But I like this way."

Bwisit. Ito ba ang role ko ang maging slave niya.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok kami sa classroom niya. Napaharap ako ng wala sa oras at napahawak sa braso ni Zean.

Bakit dito? Ang sama ng tingin nila sakin. Tapos nagbubulongan sila.

So, nagsama-sama pala ang mga demonyo sa classroom na 'to.

"Quit staring my slave! Fuck!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Zean.

Yumuko silang lahat.

Pwede naman sigurong huwag ipagsigawan na slave niya ako.

Mas lumakas ang mga bulongan.

Tinulak niya ako paupo.
Nagtakbuhan ang mga babae sa mga upuan nila nang pumasok ang Professor.

Dapat nasa klase ako ngayon at nakikinig sa discussion ng Prof ko.

Kapag ako bumagsak sa mga subject ko papatayin ko talaga 'tong katabi ko! Ano bang ipapagawa niya sa'kin dito?

"Ang baho! 'Wag ka nga magbuga ng usok ng sigarilyo sa mukha ko!"
Parang ngongo na sabi ko sabay takip ng ilong ko.

"Okay class everybody get your notebook.." Sabi ng Prof habang nagsusulat sa white board.

Hinagis ni Zean ang notebook sa harapan ko, "Kopyahin mo!"

"Hinila mo ako papunta dito para kopyahan ka ng notes?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hell yes! Do it now!" He said in gritted teeth.

Then may tinawag siyang lalaki sa unahan niya tapos takot na takot lumapit ang guy. Ganon ba katindi ang boses niya para matakot ng ganito ang lalaking 'to? Kapag naririnig mo kasi ang boses niya bawat salita na binibitawan niya SCARY!!

"Bakit?" Nanginginig na sabi ng lalaki.

"Yumuko ka."

The guy did. Then tinagtag niya ang dulo ng sigarilyo sa ulo ng lalaki.

Gawin daw ba ashtry ang ulo ng tao. Pagkatapos niyang tanggalin ang ash tinapon niya ang yosi sa bintana saka tinadyakan niya pabalik ang lalaki sa upuan nito. Ang sama niya!

"So, sa tingin mo susundin kita dahil sinabi mo?" Pagtataray ko.

"Why not, You're my slave you should obey your master or else I beat you!" He glare at me.

"Joke lang. Hindi kana mabiro.." Nag-fake smile ako.

Authomatic nagsulat agad ako. Ayokong mabugbog.

Ang dami naman nang pinapasulat ng Prof nila halos mapuno na ang white board. Nangangalay na ang kamay ko. Sa mga oras na ito dapat notes ko ang sinusulatan ko hindi sa ibang tao.

Ano kaya ang ginagawa nila Queency and Dorine? Alam kaya nila nangyari sakin ngayon?

"Miss, your not in this class." napa-angat ako ng tingin.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon