Chapter 50

1.6K 75 6
                                        

Chapter 50

“Pauwi kana ba?” tanong niya sakin nang makalapit. “Hinihintay mo ba si kuya?”

Umiling ako at ngumiti. “Hindi, si Dorine at Queency ang hinihintay ko may kinuha lang sa library.”

“Ah ganoon ba,” napakamot siya ng ulo. “Kumain kana ba? Gusto mo ba akong samahan? Hindi pa kasi ako naglalunch, kakatapos lang ng practice namin.”

Napangiwi ako, “Kumain na kasi kami... Kakatapos lang. Sorry..”

“Ano ba yan—” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.

“Jea!”

Napapikit ako sandali. Bakit ba parang buong araw may tumatawag sa pangalan ko?

Sabay kaming napalingon ni Matthew. Nakita namin si Scarleth—mabilis ang hakbang, matalim ang tingin, deretsong papunta sa amin.

Kumirot ang sikmura ko.

Akala ko tapos na dahil ilang araw siyang hindi nagpakita.
Akala ko hindi na niya ako guguluhin pa.
Akala ko malinaw na sa kanya nung nasa bar kami.
Akala ko wala na ang drama sa pagitan naming tatlo.

Pero mukhang nagkamali ako.

May panibago na naman ba siyang balak?

“I need to talk to you,” mariin niyang sabi, halos walang emosyon ang boses pero ramdam ang bigat.

Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang kamay ni Matthew sa braso ko. Marahan pero protektado niya akong hinila, inilagay sa likod niya.
Parang awtomatiko.
Parang handa siyang harapin ang kahit ano para sa’kin.

“Talk about what?” medyo may nginig sa boses ko.

Bahagyang tumigas ang panga niya habang nakatingin kay Scarleth.
“About Zean.” malamig niyang sagot.

Sa likod, tahimik akong napahawak sa laylayan ng damit ni Matthew. Hindi ko alam kung alin ang mas malakas—ang kaba ko… o ang takot na baka magsimula na naman siya ng gulo. May ilang studyante nakatingin sa amin.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Mabilis niyang hinila ang kamay ko mula sa likuran ni Matthew. Malakas niya akong binitawan dahilan para masubsub ako sa katawan ni Matthew na agad naman akong napigilan para hindi matumba.

“Are you okay?” nag aalalang tano ni Matthew.

“Medyo.” nanginginig pa rin ang boses ko.

Narinig kong napamura si Matthew.
“Shit, Scarleth Enough!”

I looked at her. Her eyes were filled with hatred—burning like hell itself.
“Do you think you’ve already won just because he came back to you?” she spat.

Dinuro-duro niya ako, saka ako tinulak sa balikat. Hindi naman malakas, pero sapat para mapa-atras ako ng isang hakbang.

“This isn’t over, girl!” she snapped. “In the end, I’ll be the one who gets the last laugh.”

Napasinghap ako. Hindi dahil sa tulak niya—kundi dahil sa galit.

Hindi niya talaga ako titigilan hanggat hindi niya makuha si Zean.

“Sa ayaw at gusto niya pakakasalan parin niya ako!” malakas na sigaw niya dahilan para makuha ang atensyon ng ibang nasa paligid.

Shit! Napaka attention seeker talaga ng babaing ito!

Natigilan siya tapos humarap sa'kin. Nakakatakot siyang magmahal—kung titignan mo siya para na siyang baliw kay Zean. Naawa tuloy ako sa kanya.

"Scarleth, Hindi ba mas importante kung ikakasal ka sa isang lalaking mahal ka." mahina kong sabi.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon