Chapter 02
Jea's POV
After ng klase naglabasan na agad ang mga classmates namin. Samantala, ako'y naka-upo pa rin at lumulutang sa ulap habang inaalala ang nangyari kahapon.
Napabuntong hininga ako.
My loves Matthew, kailan kaya ang susunod nating pagtatagpo?
"Ipa-admit kaya natin siya sa mental hospital?" bulong ni Dorine kay Queency. Nasa harapan ko sila, naka-crossed arms.
"Baka magalit si Tita, remember, only daughter niya si Jea," dugtong ni Queency.
"Eh, kapakanan ni Jea ang nakasalalay dito. Dapat pumayag siya. Look, scary ang smile niya-parang may pinagiisapan na patayin."
"Or may magandang nangyari sa kanya kahapon," smirk ni Queency.
Right. Right. Ang galing mo, Queency. Pwede kang manghuhula sa perya.
Nagkatinginan silang dalawa at nagngitian sa isa't isa.
"WAAAHH! OMYGOSH!" pagtitili ni Queency.
"Boyfriend mo na si Matthew?" exaggerated na tanong ni Dorine.
"Nagtapat ka na sa kanya?" Segundang tanong ni Queency.
"Anong sinabi mo?" curious na tanong ni Dorine.
I smiled at them.
Bigla silang tumahimik, at nauwi kami sa kwentuhan tungkol kahapon. Tili sila nang tili. Kinikilig daw sila para sa akin-sabi ni Queency, ligawan ko daw. Ayoko pang magmukhang desperada, no. Saka bakit ako ang manliligaw?
Napatigil lang kami nang may nagsalita.
"Sino sa inyo si Jesha Rivera?" Sabay kaming napa-tingin sa likod.
I blinked twice.
Paano nila nalaman ang name ko? Nag-research ba sila tungkol sa akin? Mamatay na ba ako?
"Siya!" Tinuro ako ni Dorine. Dinilatan ko siya ng mata. "Siya si Jesha Rivera, bakit?"
Huwag mo akong ituro. Shit!
"Bakit kukunin niyo ba siya?" nakangiti na tanong niya. Napatayo si Queency, at biglang nagnining ang mga mata niya.
The guy smiled back.
I hate you! Pinagkanulo niyo ang kaibigan niyo?
Babaeng ito, kung makatingin, parang na-love at first sight kaagad! Dukutin ko 'yang mata mo e!
Lumapit yung dalawang lalaki sa akin nang naka-evil smile. Without my permission, binuhat nila ako-'yung tipong nasa kili-kili ko ang braso nila tapos bubuhatin ako.
"Bitawan niyo ko! Saan niyo ako dadalhin?! Sino kayo?! Sino ang nag-utos sa inyo?! Kung kidnapping 'to, wala akong pera! Please, bitawan niyo ko!"
Pagpipiglas ko habang binubuhat palabas ng classroom halos pinagtitinginan na ako ng ibang students pati prof. Wala manlang kayong gagawin? Help me!
"QUEENCY! DORINE! HELP ME!"
"Take good care of her, guys!" sabi ni Dorine na kumakaway pa sa amin.
"Don't worry, Jea. We'll pray for you, promise! Bye!" Nag-flying kiss pa si Queency sa akin.
SWEAR, 'PAG NAKABALIK AKO NG BUHAY, BABALIKAN KO KAYO!
***
"Welcome sa clubhouse!" Sabi ni King habang humalakhak siya.
"Nasa school pa ba tayo?" naguguluhan kong tanong.
"Yeap! Haha!"
Pagpasok namin sa loob, tingin ko, isang buong palapag ng building ang clubhouse nila. Inikot ko ang mata ko sa kabuoan ng kwarto. May billiard boards, artificial golf turf, big flat screen TV, at may wine bar sa corner-parang clubhouse nga at tulad ng sinabi niya, isang private clubhouse.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomansAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
