Chapter 11

3.1K 124 25
                                        

Chapter 11

Dismissal time—6 PM.

"Ang lakas naman ng ulan…", bulong ko habang tina-tap ang palad ko sa mga patak ng ulan. Wala akong payong, lowbat ang phone ko, at wala si Queency. Iniwan niya ako rito sa labas ng building, may kakausapin lang daw siya. Sino kaya ‘yun?

Ang ulan grabe—bawat patak parang kumakagat sa balat ko. Sana andiyan si Matthew habang hinihintay ko matapos ang ulan, pero wala.

"Jea!"

Tumingin ako—si Matthew, medyo basa, nakangiti, may hawak na payong sa balikat. Tapos Sa likod niya si Queency, sumisilip, naka-thumbs up. Na-gets ko na! Pinapunta ba niya si Matthew para ihatid ako.? Ang bait!

Pagkatapos, nag-wave siya at umalis.

"Ako ba tinatawag mo?" Turo ko sa sarili.

Tumango siya.

"Bakit?"

Lumapit siya, “Uuwi ka na?”

"Oo," sagot ko, halatang kinikilig. Puso ko tumitibok ng sobra.

"Grabe ang ulan… wala kang payong?"

Lumapit siya sa tabi ko. Shake my head.
"Wala nga eh, asar ‘tong rain, hindi ako in-inform."
He laughed. “Sige, Sabayan kita pauwi. Hanggang sakayan, Okay ba?”

Bakit wala ang kotse niya? Baka gusto lang talaga niya ako ihatid at nagpapakatorpe lang. Nililigawan ba niya ako? Feeling mo Jea!

"S-Sige… p-payungan mo ko.." Nanginig ang boses ko. Ang lamig at basa na rin ako.

"Okay."
Hinawakan niya ang balikat ko at nilapit sa tabi niya. Ngumiti siya, “Para hindi ka mabasa.”

Parang sa Korean movies—rain, umbrella, kami lang. Heartbeat ko tumaas, shivering from the cold, pero ang kilig ko sobra sobra na.

Paano ako magpapaalam pagdating sa sakayan? Bow? Wave at sweet dreams?

Ang dami kong iniisip, pero nawawala lahat nung tumingin siya sa akin.

"Jea?" Tawag niya.

"Bakit?" Tiningnan ko siya.

"Ah wala…", sabi niya, nakatingin sa unahan.

Ano daw? Matthew, wag ka nang mahiya—kung gusto mong magtapat, sabihin mo na. Ready na ako magpalit ng relationship status ko sa “in a relationship with you.” Ang landi.

Huminga ako ng malalim. Ako na ang aamin. Praying nothing goes wrong. Sana wala si Zean na e-epal. Sana perfect ang confession ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

Biglang pumasok sa isip ko ang imagination—

"Matthew?!" Tawag ko.

Nasa kabilang kalsada ako, basang-basa, habang siya nakapayong at nakatalikod.

"Matthew!!" Tawag ko ulit.

Still, hindi siya lumingon. Tatawid na lang ako.

Tumakbo ako papunta sa kanya, abot-langit ang ngiti ko, “Matthew!! LUMINGON KA, HOY!”

Saktong malapit na, biglang humarap siya. I froze. Puso ko parang tumigil, tibok ng puso ko tumakbo ng mabilis. Ang mukha niya—may pimples, malaking pulang ilong, malaking ulo.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon