Chapter 06

4.1K 153 15
                                        

Chapter 06

Jea's POV

Pinabili ako ni mama ng isda at mga gulay para sa ulam namin sa hapunan. Hindi ako takot maglakad mag-isa pauwi sa bahay sanay na ako saka sa tagal-tagal namin nakatira sa lugar na 'to mukhang kilala na ako ng mga adik at tambay dito. Pero hindi ako siga ah—siguro kilala lang talaga nila ako na kalugar nila.

Nasa mataas na daan na ako ngayon saka madilim sira kasi ang street lights. Para hindi ako matakot chenick ko kung kompleto ang mga pinamili ko ng..

"Excuse me Miss..."

Napa-angat ako ng tingin sa narinig kong nagsalita. Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Tatlong lalaki ang humarang sa daan ko. Sila 'yung natapunan ko ng Matcha Sa coffee shop kanina at tinakbuhan ko—ayaw nung isang lalaki tanggapin ang sorry ko. Mga taga ibang school sila.

"Natatandaan mo ba kami?" Tanong nung guy sa gilid ko.

I shook my head, "Hindi. Sino ba kayo?"

Dahan-dahan akong umaatras tapos palapit naman sila nang palapit sa'kin kapag umaatras ako.

"Palusot. Yung tinaponan mo ng Matcha! Puta ka!" nanggagalaiting sabi ng isa.

Tae, hindi ko nga sinasadya 'yun. Tadyakan kita eh.

"Nagsorry na nga ako diba—"

"Bayaran mo to!" Matigas niyang sabi.

"Magkano po ba ang halaga ng uniform mo? kung gusto mo, ikaw nalang maglaba."

They all glaring me like hell.

Tinakbuhan ko ulit sila. Kung gaano ako kabilis tumakbo ganon din sila. Bumaba ako sa isang stairs at iyon na siguro ang
pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko. Wala akong madaanan. Kahit magsisigaw ako walang makakarinig sa'kin.

I'm Dead! Sinong tutulong sa'kin sa ganitong sitwasyon? Si Batman? Darna? Superman? O si Dora? Teka bakit si Dora?

"Malas mo, tatakbo ka na lang doon pa sa wala kang takas." Sabi ng isang lalaking mataba.

"We'll teach you a lesson your never forget!" Segunda ng lalaking malaki ang eye bags.

Tinutok ko ang upo sa kanila sabay atras, "Hoy, anong gagawin niyo sakin? Ide-demanda ko kayo ng physical injury frustrated murder at rape!"

"Haha! Paano ka magsasampa ng kaso kung papatayin ka na?" Nakangising sabi ng lalaking matangkad.

Makailang ulit akong napalunok... ito na ba ang katapusan ng buhay ko ito na ba iyon? No!

"Teka! Stop!" in-strech out ko ang kamay ko banda sa mukha nila pero malayo sa mukha.

"Bakit?" Sabay sabay silang kumunot ang noo.

"Bago niyo ako patayin o halayin o ano pa man. Please, pwedeng pakihatid niyo muna sa bahay ang pinamili ko kanina pa kasi ito hinihintay ni mama. I'm sure galit na galit yun saka pakisabi na rin hindi na ako makakauwi dahil papa—"

"TUMAHIMIK KA!" Malakas na sigaw nung natapunan ko ng Matcha.

May narinig akong footstep pababa ng hagdan. Pagtingin ko isang nilalang naka-black long sleeve shirt at wide leg jeans. Naka unbutton ang dalawang botones ng polo. Kahit madilim kitang kita parin ang kakisigan at kagwapohan niya—Nasa pocket ang isang kamay habang yung isa may hawak na sigarilyo. Slow motion siyang nag-puff ng yosi at aaminin ko ang HOT niyang mag-puff.

"Zean..." Mahina kong sambit.

Umupo siya sa gilid ng hagdan ng parang wala siyang pakialam. Hello nasa panganib po ako? Bakit kaya siya nandito? Huwag niyong sabihing pati dito sinusundan niya ako?

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon