Chapter 14
Jea's POV
8:30 pa lang ng umaga, nasa school na ako. Sinadya kong hindi magpasundo kay Matthew—kasi naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari at sinabi ni Zean kahapon.
“What if I wasn’t there?” he said quietly. “I don’t know what I would’ve done if they had gone any further. I couldn’t live with the thought of you getting hurt.. Jea..
Nalilito ako—pero hindi dapat. Si Matthew, siya ang gusto ko. Siya lang.. Ngunit may isang bahagi ng puso ko ang tumutol?
Sa dami ng iniisip ko hindi ko napansin na may tumatawag na sakin. Paglingon ko si Matthew pala.
"Kanina pa kita tinatawag." Ngumiti siya.
He is wearing a longsleeve shirt and jeans with backpack.
"Hindi ko narinig." Ngumiti ako, pilit.
"Jea." Mababa ang boses.
Napa-angat ako ng tingin. "Bakit?"
“Okay ka ba? Okay tayo?” tanong niya, halatang nag-aalala.
Actually, yun din ang tanong ko sa sarili ko. Okay pa ba kami?
Okay pa ba ako?
Saglit akong natahimik, pero ngumiti rin ako.
“Okay lang,” sagot ko. At sa sandaling ‘yon, gusto kong maniwalang totoo.
Nahalata niya sigurong nag-alinlangan ako.
Tinitigan niya ako saglit. “Sigurado ka? Mukhang hindi ka kasi okay.”
Tumango ako. “Medyo lang… nalilito.”
Nalilito?
Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, bahagya siyang ngumiti. “Saan? May nagawa ba akong mali.”
Wala.. Ako ata ang may nagawang mali..
“Wala,” mabilis kong sagot. “Nagtatampo lang siguro. Masyado kana kasing busy sa basketball.” pagsisinungaling ko.
“Ah.." ngumiti siya, napakamot ng ulo. "Sorry.. Kailangan talaga magpractice for tournament,” paliwanag niya. “Pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita iniisip.”
Napatingin ako sa kanya. Tahimik siya, seryoso.
“Ayokong isipin mong hindi ka mahalaga.” dagdag pa niya.
Ngumiti ako. “Okay..” tipid na sabi ko.
At sa pagkakataong ‘yon, mas naging malinaw ang lahat.
Tahimik kaming naglakad papunta sa kanya-kanya naming classroom. Sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayan na may bumunggo na pala sakin dahilan para malaglag ang dala kong gamit.
Nagkatitigan kami ng ilang second. "I'll get them!" Sabi niya.
Umiling ako. "It's okay! I can do it!" Sabay kaming lumuhod at isa isang pinulot ang mga gamit ko.
Nagkatinginan kami ni Matthew. Sobrang lapit ng mukha niya sa’kin na parang matutunaw na ako. Ang tahimik ng paligid, sobrang romantic ng atmosphere. Yung titig niya, parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Hindi ko namalayang kusa nang ngumiti ang labi ko.
I miss this feeling! Confused lang talaga ako, tama!
Pero sandali.
Bakit parang biglang… ang weird..
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad (Book 1)
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
