Chapter 04
Jea's POV
"Psst, pagkatapos nito mall tayo?" Nagseserbisyo si Queency ng lugaw habang sinasabi 'yun.
Hindi sa nagmamayabang, pero dinadayo ang lugaw namin dahil sa sekretong timpla ni Mama. Gaya ngayon, maraming tao. 'Yung ibang customer, tumatawag pa para magpadeliver. Ito na ang naging negosyo ni Mama simula nung naghiwalay sila ni Papa.
"Marami daw sale ngayon. So excited!" Segunda ni Dorine.
"Ipaalam niyo ako kay Mama, baka hindi ako payagan," sabi ko habang nilalapag ang orders na lugaw.
"Kami na ang bahala sa'yo," bulong ni Dorine.
"Jea, anak, pakihatid ng limang order na lugaw kina Aling Susan; kanina pa niya ito hinihintay," sabi ni Mama.
"Opo." Hinubad ko ang apron at kinuha 'yung plastic kay Mama. "Aalis na po ako."
Saktong pagbukas ko ng pinto, may isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Una, naisip kong customer lang siya, kaya hindi ko na tinignan.
"Sir, pasok po kayo sa loob," sabi ko.
Pero bago ako makalakad sa kanan, humarang siya sa harapan ko. Bigla akong napaangat ng tingin. Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Paano niya nalaman na nandito ako?
"Shit! What a coincidence! Ito pala ang business niyo?" He smirked.
"Ano'ng ginagawa mo dito? Are you stalking me?"
"HAHAHA! kapal ng mukha mo! Napadaan lang ako."
"Pwes! Wala akong panahon makipag-usap sa'yo, tabi diyan!" Tinulak ko siya at dire-diretso naglakad palayo para ihatid ang order ni Aling susan.
Nakakainis 'tong si Zean for sure sinadya niya ipahanap kung nasaan ako para bwisitin ako. Dumayo ba siya dito para utusan ako?
As if magpapautos pa ako o baka gusto niyang kumain pero malabo sa unang tingin mo palang kay Zean masasabi mong napakaARTE niya.
Pauwi na ako ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko at hinila papasok sa kotse. "Damn! I'm hungry let's eat. Tagal mo."
"Sinabi ko bang hintayin mo ko? saka nasa akin ba ang bituka mo? Edi kumain ka mag-isa mo! May trabaho pa ako! buksan mo 'tong kotse mo!"
Hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse niya.
"Naka-authomatic lock 'yan kaya hindi mo mabubuksan 'yan. Sinasayang mo lang ang lakas mo. If I were you, I tell myself to shut up! Just sit back and relax." Kaswal na sabi niya habang diretso ang tingin sa daan.
"HOY!! HALIPAROT NA LALAKI SAAN MO AKO DADALHIN?!" Sinigawan ko siya malapit sa tenga.
"Aw shit! Shut up you make me deaf! Urgh fuck!"
"Ihinto mo ang sasakyan baba ako!"
"Damn it! No!" He cursed.
"Hinto mo!"
"No!" He glare at me.
Bakit ang sama niya mag-glare? parang kakainin niya ako. his expression, its beyond scary.
"He..he.. continue.." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
Tumigil kami sa isang restaurant. Mukhang mamahalin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at malakas na hinila papasok sa loob.
Asar talaga! Jea, relax... breathe...
"Good morning sir/mam what's your order?" Tanong nu'ng waitress ng makaupo kami sa table. Binigyan niya kami ng menu.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomansaAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
